38. Chapter

1362 Words

38. Chapter FRENZY POV “Papa…” Hindi ko mapigilan ang luha ko. Patakbo akong lumapit sa kanya. Hirap na hirap siyang magsalita gawa ng aparatong nasa ilong niya. Lumuhod ako para mayakap ko siya. “Ah… anak…” Napapikit ako habang hawak ko ang kamay niya dahil sa wakas, sa unang pagkakataon, sa napaka habang panahon, natagpuan na namin ang isa’t isa. Ang boses niya bagamat garalgal, napakasarap pakinggan lalo pa at tinawag niya akong ‘anak’. Inilagay ko ang kamay niya sa aking pisngi. Dinadama ko ang mainit niyang balat, sa taong ito galing ang dugong dumadaloy sa katawan ko. “Huwag mo na pong pilitin Papa. Ok na ako Pa.” Tumango siya at ang kabila niyang kamay ay hinimas ang buhok ko. Hindi man siya magsalita pero ang mga luha na bumubuhos mula sa kanyang mga mata ay sapat na pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD