"Oh, My G!" tili ni Jasmin nang iabot ko sa kanya ang ticket papuntang Korea at ang ticket nito para sa concert ng BTS, pati na ang membership nito na tinatawag nilang army.zip. Birthday na nito bukas kaya nandito ngayon si Chase sa bahay namin. Ginawa na naman nitong dahilan ang regalo nito para makapunta rito sa bahay at makita ako. It's been one week na hindi kami nagkita dahil sobrang busy ako sa trabaho, ito naman ay may business trip last week kaya hindi talaga kami nagkikita. "And of course, kasama mo ako papunta sa Korea, here's our itinerary." Masaya kong saad sa kanya, sabay taas ng isang documents sa harapan nito. Nagtatalon ito sa tuwa, saka niyakap ako. Oh, my baby... Gusto kong maiyak. Pakiramdam ko para pa rin siyang little girl ko, pero bukas mag-twenty two na ito. Sa

