"Happy Birthday!" Masayang bungad ko kay Jasmin nang makapasok ako sa hotel room nito. Naka-gown na ito at nire-retouch na lang ang make-up. Nakangiti akong nakatitig sa maganda niyang mukha. Ang tanging namana lang sa akin nito ay ang charming nitong ngiti, lahat ng parte ng mukha nito ay kahawig ng ama niya. "Mommy!" Masaya ako nitong niyakap pagkatapos mag-retouch ng make-up. "Ang ganda at sexy mo, Mommy. Bagay sa'yo ang gown." "Mas maganda ka anak," papuri ko sa kanya. "Hali ka na sa venue, dumating na ang mga bisita mo." Ngumiti siya sa akin, saka pinagsalikop ang kamay naming dalawa. Dito na rin sa five star hotel ginanap ang venue ng birthday ni Jasmin. Masyadong mahal ang nabayaran at nagastos ko pero okay lang basta para sa anak ko. At saka, taon-taon naman talaga ako nag-ii

