Kalalabas lang nito galing kusina na may dalang tray na may lamang cake tapos nagulat nang makitang duguan ang kamay ni Chase. "I'll get the first aid kit," turan ni Jasmin, saka mabilis na nagtungo sa bathroom. "Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat," ani ko rito, "Halika nga sa sala." Tumayo kaming dalawa saka nagtungo sa sala. Sinuri ko ang sugat sa kamay niya kung may bubog na naiwan. Buti na lang wala. "Nagpipigil ako nang galit, Olivia." Napatingin ako sa mukha niya, galit nga ito. Bumuntonghininga ako sabay napailing. "Chase, huwag mo na lang patulan. Pareho lang naman kayong dalawa nagpipigil nang galit." "Talagang kilalang-kilala niyo na ang isa't isa, ano?" nang-uuyam na saad nito. "Chase, ayaw kong makipagtalo sa'yo." Nakabusangot kong sagot, saka muling hinila ang kamay n

