Inilalagay na namin ang mga pagkain sa mesa. Tahimik lang ako, samantalang sina Jasmin at Jason ay parang matagal nang magkakilala dahil panay ang kwentuhan ng dalawa. Pero hindi ko pa narinig si Jasmin na tinawag niyang daddy si Jason. Siguro ay nag-a-adjust pa ito. Huling inihain ni Jason ang ulam na bulalo, ang paborito ko. He was my boyfriend when I was 17 years old, dalawang taon din naging kami, hanggang sa mabuntis niya ako at iwan. Mapait akong ngumiti saka napailing. Past is past, saka naisip ko kung hindi dahil sa nangyari sa akin noon hindi ako matututo sa buhay. Naging matatag ako sa kabila nang hirap na pinagdaanan ko. Iyon nga lang ay masyado pa akong bata sa panahong iyon. "Wow! Hindi nga ba at paborito mo ang bulalo, Mommy?" nakangiting turan ni Jasmin, kulang na lang

