Olivia's POV Nagising ako na mabigat ang ulo. Nang bumangon ako sa kama, kaagad kong isinandal ang likod ko sa headboard, saka nahilot ko ang sentido. Napayuko pa ako para tingnan ang sarili, naka-suot ako ng t-shirt. At alam kong kay Chase iyon. Iginala ko rin ang mga mata sa malawak at magandang silid nito. "Good morning!" Ang nakangiting mukha ni Chase ang bumungad sa may pintuan. May dala siyang isang food tray. Inilagay niya ang food tray sa lamesa, saka kinuha ang baso at gamot. Sinusundan ng mga mata ko ang bawat galaw niya. "Here, take this." Iniabot niya sa akin ang advil at isang basong tubig. "Para hindi sumakit ang ulo mo." "Thanks." Pagkatapos kong uminom, ibinalik naman ni Chase ang baso sa mesa at muling bumalik sa akin. Umupo siya sa kama, katabi ko. "Chase, I need

