Chase POV Kanina ko pa tinatawagan si Olivia pero walang sumasagot. Kadarating ko lang galing Singapore. Tiningnan ko ang relo, late na late na ako sa birthday ni Jasmin. Nangako pa naman ako kay Olivia na hahabol ako. Damn it! Dapat pala hindi na ako umalis kahapon, hindi na lang sana ako nag-attend sa business conference, pinilit lang talaga ako ni Olivia. Hinubad ko ang suot na necktie. Tinanggal ko rin ang suot kong suit jacket. Mas lalo kong binilisan ang takbo ng kotse papunta sa Five Star Hotel kung saan ginanap ang venue ng birthday ni Jasmin. Muli kong tinawagan ang cellphone nito pero wala pa ring sumasagot. Bumangon ang kaba sa dibdib ko. Tiningnan ko ang paper bag na nakalapag sa tabi ng driver's seat, pasalubong na binili ko para kay Olivia, napangiti ako. Magugustuhan

