Pagkatapos naming magshopping para sa birthday ni Jasmin. Nauna na akong umuwi sa bagay, samantalang si Jasmin naman ay nagpahinto sa akin sa bakeshop. Nahilot ko ang sentido habang nakahiga sa sofa, habang nasa biyahe kami isang tanong at isang sagot na lang si Jasmin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang napag-usapan nilang dalawa ni Kidd nang mapag-isa sila sa kotse kanina. Tiningnan ko ang oras, alas singko na. Bumangon ako at umakyat sa taas. Magpapalit na ako ng damit dahil magluluto pa ako ng dinner. Kapapalit ko lang ng pambahay na damit nang may marinig akong tunog ng sasakyan na mismong sa tapat ng bahay namin huminto. Napatingin ako sa bintana, at laking gulat ko nang makitang lumabas si Chase mula sa sasakyan. Tumingala ito na para bang naramdaman na may nakatingin sa kanya

