Nakarating na rin kami sa parking space ng ospital. Pagkalapit sa kotse ko, nilingon ko sina Kidd at Jasmin na siyang nakalapit na rin sa amin ni Andrea. "Sa akin ka sumabay, Jasmin," turan ko saka binuksan ko na ang pintuan ng driver's seat. "Paano si Kidd, Mommy?" Napaisip ako, oo nga ano? Saka tingin ko sa anak ko, gusto yatang makausap si Kidd na mag-isa. Mabilis akong nag-isip, umaliwalas ang mukha ko nang maisip ang ideya na makisabay na lang ako kay Andrea. "Kidd, hindi ba ay marunong ka namang mag-drive?" tanong ko rito. Tumango si Kidd sa akin, saka nagsalita, "Opo, Tita. Bakit?" "Great! Ikaw na lang kaya ang mag-drive nitong kotse ko? Dalawa kayo riyan ni Jasmin nang makapag-solo kayo," ani ko, may panunukso sa boses. "Ako naman ay sasabay sa kotse ni Andrea." Halatang

