Senior Inspector Lizette Salcedo’s POV
“HINDI namin nakita si Loisa Alday sa apartment na tinutuluyan niya dahil ilang araw na siyang hindi umuuwi doon,” pagre-report ni Lizette sa mga nakuha nilang impormasyon ni Seth. Nandoon na sila ngayon sa opisina nila sa headquarters. “Huling nakita ng kapitbahay niya na umuwi si Alday ay Martes ng gabi. That was the night Marcelo Duenas died.”
“That’s suspicious,” ani Monica. “Bakit siya biglang nawala after his boyfriend died?”
“Nag-request na kami kay Chief kanina na magpadala ng police surveillance sa bahay ni Alday,” sabi naman ni Seth. “Para mabantayan iyon at kung sakaling bumalik si Alday ay madala dito.”
“It’s either she’s hiding because she’s guilty of something,” wika ni Joshua. “Or she’s dead too.”
Napabuntong-hininga si Lizette. She hoped it wasn’t the latter. Hindi niya gustong madagdagan pa ang mga biktima.
Tumingin si Kevin kay Joshua. “Joshua, sinabi ni Edgar kanina sa `yo niya binigay lahat.”
“Yeah.” Binuklat ni Joshua ang folder na nasa harap nito. “Wala siyang nakita sa CCTV footage. Buong araw ng Martes ay si Marcelo Duenas lang ang nakitang lumabas at pumasok sa front door ng bahay niya. Walang sasakyan na nahagip na pumarada sa tapat ng gate. Ang sunod na taong nakita sa CCTV ay ang katulong ni Duenas na si Arleen Estrope. That was Wednesday morning.”
“Sigurado kami ni Monica na sa backdoor dumaan ang killer,” ani Kevin. “I saw some scratches on the door’s knob. Posibleng bobby pin ang ginamit para mabuksan `yon.”
Naglabas naman si Monica ng isang printed picture—shoeprints. “Nakita namin ito malapit sa sementadong bakod ng bahay ni Duenas. Katapat ng sanga ng isang malaking puno ng acacia. Sigurado na umakyat sa puno ang killer para makaliban sa bakod at makapasok sa loob. Hahanap ako ng match sa shoeprints na ito para malaman kung anong klase ng sapatos, pati na rin ang shoe size.”
The killer knew the surroundings.
Tumayo si Joshua at binigyan sila ng mga papel. “Ito ang nahanap namin ni Edgar kanina. First, let’s talk about Duenas’ bank records.” Bumalik sa pagkakaupo ang lalaki. “Naka-highlight diyan ang suspicious transactions these past few months. Well, mayroon din sa past year transactions niya but let’s focus on the recent.”
Tiningnan ni Lizette ang hawak na papel. Tama si Joshua. These transactions were suspicious. Ilang beses na nagdeposit ng malaking halaga si Duenas sa bank account niya. Six digits. Napakaimposible niyon sa background nito bilang isang teacher. Sa pagkakatanda niya ay wala ring ibang source of income si Duenas base sa mga records nito.
“Next pages, nandiyan ang deleted emails na na-recover ni Edgar sa account ni Duenas,” pagpapatuloy ni Joshua. “He exchanged emails with this rmendoza12@g*******m a few times these past few months. Suspicious emails.”
Binasa ni Lizette ang mga iyon. It was indeed suspicious. Duenas was asking money for something. Para saan? Ano ang itinatago ng lalaking ito?
“What do you think?” tanong ni Kevin pagkatapos magbasa.
“Bribery,” sagot ni Joshua. Napatingin sila dito. “Hindi na rin naman kagulat-gulat iyon. May nangyayaring ganyan talaga sa mga schools. Ipinahanap ko ang IP address na pinanggalingan ng emails na `yan. Edgar traced it to a certain location. We looked into that location. The house and lot is owned by Gerry and Rizza Mendoza. Nandiyan na rin ang address.”
“Bribery,” ulit ni Kevin. “May nakausap kaming isang babae kanina na nakakakilala sa biktimang si Duenas. She told us something interesting. Na sumusuporta sa sinabi mo, Joshua.” Tumingin ito sa kinauupuan ni Monica. “Monica.”
Tumango si Monica. “Sinabi ng babaeng nakausap namin na may masamang gawain daw si Duenas na narinig niya sa isang kakilala. That was a few years ago, though. May kumare raw siya na ang anak ay nag-aaral noon sa Bonifacio Private School kung saan nagtuturo si Duenas. Nalaman daw ng kumare niyang iyon na tumatanggap ng suhol si Duenas para dayain ang grades ng mga estudyante niya. Minsan daw na binayaran ng kumare niya si Duenas para mapataas ang grades ng anak nito para makapasok sa isang prestigious university.”
“Nasaan na ang kumare niyang `yon?” tanong ni Lizette.
“Binigyan niya kami ng pangalan,” sagot ni Monica. “Kanina ay ipinahanap ni Kevin kay Edgar ang information ng pangalan na `yon pero isang taon na palang nag-migrate sa US ang pamilya na `yon.”
Napailing si Lizette. Hindi na nila makakausap ang taong iyon kung ganoon. Pero isa ang malinaw, tumatanggap nga ng bribe si Duenas. How could he call himself a teacher?
“Posibleng may iba pang nakakaalam sa gawain niyang `yon,” ani Kevin. “That bribery can be listed as one motive to kill him.” Bumuntong-hininga ang lalaki, ibinaba ang tingin sa mga papel na nasa harapan nito. “Sa ngayon, kailangan muna nating mahanap ang girlfriend niyang si Loisa Alday. Baka may alam siya sa kasamaang iyon ni Duenas. Then we need to go to this Mendoza residence. Kailangan nating malaman kung tungkol saan ang mga emails na `yan. And of course, we need to find more about the other victims.”
Binuklat ni Kevin ang isang folder. “Walang kapamilya ang biktimang si Terre Limcao. We can only relay on the police reports of her case. Pero ang isa pang biktima na si Michael Cortes ay may natitira pang kapamilya. Kailangan din natin silang makausap uli at sabihin na iniimbestigahan uli ang kaso.”
Isa-isa nang hinati ni Kevin ang mga gawain sa kanilang lahat. Silang tatlo nina Seth at Joshua ang nautusan na kausapin ang pamilya ni Michael Cortes.
Tiningnan ni Lizette ang information ni Cortes. The man was a politician. Dati itong Vice Mayor sa lungsod ng Caloocan. Doon din nakalagay ang permanent address nito. Mayroon itong asawa at isang anak na lalaki. Nakalagay doon ang contact numbers ng mga ito.
Kinuha niya ang cell phone at sinubukang tawagan ang number ng asawa ni Cortes. It was unattended. Sunod niya namang kinontak ang sa anak nito. It rang. Naghintay lang ng ilang minuto si Lizette bago narinig ang pagsagot sa kabilang linya.