Episode 8.2

2547 Words
Senior Inspector Lizette Salcedo’s POV PUMASOK sina Lizette sa loob ng coffee shop na malapit sa UP Diliman kung saan nagtatrabaho bilang professor ang anak ni Michael Cortes na si Jason Cortes. Kanina sa tawag ay sinabi ng lalaki kung nasaan ito. Pumayag itong makipagkita sa kanila sa coffee shop na iyon nang alas-kuwatro ng hapon. It was 15:30. “I’ll get you drinks,” alok ni Joshua. “Ano’ng gusto mo, Seth?” “Hot espresso na lang ang sa akin,” sagot ng lalaki. “I’ll have cafe latte,” sabi ni Lizette. Binuksan niya ang dalang handbag para kunin ang wallet doon. “I know,” ani Joshua. “Ako na ang magbabayad.” Napatingin si Lizette dito na tumalikod na. Kumunot ang noo niya. “What’s with him? Bakit biglang nanlibre ng drinks iyon?” “He must be in a good mood,” natatawang sabi ni Seth. “Galante naman talaga si Joshua. Kahit kapag kasama namin siya.” Tumango-tango na lang siya. Binuksan niya ang folder na kanina pang hawak – informations iyon tungkol kay Jason Cortes. Dalawang taon na itong nagtatrabahong professor dito sa UP Diliman. The man was thirty-two years old. Nakatira pa rin ito sa bahay ng mga magulang. He was still single. Napatingin siya kay Seth nang makarinig ng pagtunog ng cell phone. Tiningnan nito ang phone na hawak bago nag-excuse sa kanya. Hinayaan niya na lang ito. Ilang sandali lang naman ay nakabalik na si Joshua sa table nila dala ang mga drinks nila. Nagpasalamat si Lizette dito. “Si Seth?” tanong nito. “May tumawag sa kanya.” Lizette sipped her coffee. Sinulyapan niya si Joshua at nahuling nakatingin ito sa kanya. Tiningnan niya ito ng matalim. “What?” Nagkibit-balikat ang binata bago inabot ang folder na nasa harapan niya. Lizette rolled her eyes. Hindi ba ito marunong magpaalam? “He’s thirty-two pero nakatira pa rin siya sa bahay ng mga magulang niya,” ani Joshua. “I’m sure he’s earning a lot being a professor. Wala ba siyang planong bumukod?” “Mag-isa na lang ang ina niya doon,” sabi naman ni Lizette. “Baka hindi niya lang gustong iwanan ang ina niya.” Tumango-tango na lang si Joshua at uminom ng drinks nito. Sabay silang napatingin kay Seth nang bumalik ito. “Who was it?” pang-uusisa pa ni Joshua. Maluwang na napangiti si Seth. “Si Kylene.” Napakamot ito sa ulo. “Iniimbitahan niya akong mag-dinner mamaya sa kanila.” “Pumayag ka?” “Oo naman.” Makikita ang kislap sa mga mata ni Seth. “You look so happy,” nakangiting puna ni Lizette. It must be good being in love. Bumuntong-hininga si Seth. “Ngayon ko lang naramdaman `to. Makita ko lang ang pangalan niya sa screen ng phone ko, tumatalon na ang puso ko. Hearing her voice makes my heart beat fast.” Tumingin ito sa kanila. “Naranasan niyo na rin ba `yon? That feeling when you’re with someone and your heart skips a beat?” Humalumbaba si Joshua sa mesa. “Naririnig ko na rin `yan,” sagot nito, his tone was bored. “May term diyan ang mga doktor, eh.” Napaisip ito. “Arrythmia, right. Marami na raw ang namatay diyan. Kaya mag-iingat ka. Magpa-check-up ka na rin.” Nakita ni Lizette ang paglaglag ng balikat ni Seth. Napailing na lang siya. “This coffee is kinda bitter,” sabi niya bago uminom. “Oh, my mistake. Hindi pala ang kape.” Tiningnan niya si Joshua. “Ikaw pala ang bitter. Wala ka bang mahanap na girlfriend ngayon? Bakit? Tinakbuhan ka na siguro ng mga babae, ano?” Pinaningkitan siya ng mga mata ni Joshua. “Hindi ako bitter, nagsasabi lang ako ng totoo.” Lizette scoffed. “Women should stay away from the likes of you,” she murmured. “Blah. Blah. Blah,” ani Joshua, nang-aasar ang tono. “Walang nakakaiwas na babae sa akin. The cashier there, she’s attracted to me. Alam kong ganoon ka rin.” Ngumisi pa ito. Tiningnan niya aang masama ang lalaki. Kung puwede lang na isaboy niya sa mukha nito ang hawak na kape. Pero kailangan niyang maging kalmado. Ayaw niyang makasuhan ng physical injury. “I will never be attracted to you. Never,” mariing sagot niya. “Dapat si Seth na lang ang kasama ko ngayon.” Narinig nila ang pagtawa ni Seth. “Palagi na lang talaga kayong nagtatalo.” “Kasalanan ng lalaking `yan,” naiinis na sabi niya, inirapan si Joshua. “Nagsasabi lang ako ng mga gusto kong sabihin.” “Shut up.” God, hindi ba ito marunong tumahimik? Pasimple niyang sinulyapan si Joshua na sinusuklay na ang buhok nito. Abot pa rin sa ibabaw ng balikat ang medyo curly nitong buhok. Mukhang pinapa-trim lang iyon ng lalaki. Minsan ay naka-man-bun ito. Well, it looked good on him. Pati na rin ang stubbles na nasa ilalim na parte ng mukha nito. He was manly and well-built. He was... kinda attractive, yes. Kung hindi ito magsasalita. Pero hinding-hindi ito magugustuhan ni Lizette. Makalipas ang tatlumpung minuto ay nakatanggap na ng text si Lizette mula sa number ni Jason Cortes. Sinabi nito na naroon na ito sa coffee shop. Tumingin siya sa entrance at agad na nakilala ang lalaki. Itinaas niya ang isang kamay para kawayan ito. Tumayo si Lizette para magpakilala sa lalaki nang makalapit. Ipinakilala niya rin ang mga kasamahan at inimbitahan itong maupo. “Do you want some drinks?” tanong pa niya. “No, I’m fine,” nakangiting sagot ni Jason. The man looked the same like in his photos. Mukhang nasa thirties na talaga ito. Clean-cut ang pagkakagupit ng buhok nito. His body was average. He was tall and dark. Malinis din ang mukha nito na halatang alaga sa shaving. Nakasuot si Jason ng puting long-sleeved polo, necktie, black pants and black shoes. He really looked like a university professor. “Maraming salamat dahil pumayag kang makipagkita sa amin,” sabi niya. “Pasensiya na rin sa abala.” “SCIU,” sambit ni Jason, parang namamangha pa. “Nagulat ako kanina sa tawag ninyo, lalo na nang banggitin niyo ang tungkol kay papa. Hindi ako... makapaniwala na magkakaroon ng reinvestigation. At SCIU pa ang hahawak.” “Una naming tinawagan ang mama mo but her number was unattended,” sabi niya. “Nalaman namin na magkasama pa rin kayo sa iisang bahay?” “Yes, yes.” Ngumiti si Jason. “Papalit-palit ng numbers si mama. Nasa bahay siguro siya ngayon. She handles our family businesses.” Bumuntong-hininga ang lalaki. “Bakit niyo naisipang imbestigahan uli ang kaso ni papa? I thought... no, we thought the police had given up.” “We found new leads.” Si Joshua ang sumagot niyon. “Mayroon ding isa pang kaso na linked sa kaso ng papa mo. Bakit? May problema ba kung magre-investigate kami.” Napansin ni Lizette ang sandaling pagkatigil ni Jason. Pero mayamaya lang ay umiling ito, sumagot. “Wala naman. Nag-aalala lang ako na baka malungkot uli si Mama kapag naalala ang nangyari kay Papa.” Lumungkot na ang mukha ng lalaki. “I don’t want her to be sad. I love her so much. I tried hard to make her happy since my father died.” “May ilan lang naman kaming katanungan,” sabi naman ni Seth. “Mas maganda pa rin na mahuli ang killer ng papa mo, `di ba? Para na rin sa inyo.” Tumango-tango na lang si Jason. Tiningnan ni Lizette si Joshua na nakamasid lang sa lalaki, pinag-aaralan ito. Hinayaan niya lang ang binata at nagsimula nang magtanong. Kinuha niya uli ang folder na nasa harapan ni Joshua, binuksan iyon. “Your father was killed in your home four months ago,” panimula niya. “Walang ibang tao doon at that time. Nakalagay sa police reports na ang mama mo ang nakakita sa bangkay kinagabihan pag-uwi niya galing sa isang business appointment. Siya ang nag-report sa mga pulis. Ikaw naman ay nandito sa university, tama ba?” “Yes. Madalas ay overtime ako dito, lalo na kapag exams week. Nakatanggap lang ako ng tawag that day galing kay mama at ibinalita niya nga ang nangyari.” Nakalagay sa police reports na may alibi ito at ang mama nito. They were both gone when the crime happened. “Bakit nasa bahay ninyo ang papa mo noong oras na `yon?” tanong ni Seth, nakatingin na rin ito sa reports. “Time of death was around 1-2 PM in the afternoon. Hindi ba Vice Mayor siya? Wala ba siyang appointments?” “Wala. Palaging nasa bahay si papa ng ganyang oras. Umuuwi siya from city hall ng around 1PM. Nagpapahinga siya doon.” “May mga kaaway ba siya na kilala mo? May nagtatangka sa kanya?” “Wala kaming alam.” Bumuntong-hininga si Jason. “We don’t really know anything about my father’s career. Hindi rin siya nagkukuwento. Mas importante sa kanya ang politics kaysa sa amin.” Mapait itong napatawa. “Ni hindi niya nga mabigyan ng oras si Mama. Kaya palaging malungkot si Mama. Pagkatapos... bigla niya na lang kaming iniwan ng ganoon-ganoon lang.” “Hindi ka ba nalulungkot sa pagkawala ng papa mo?” tanong ni Joshua. “Nalungkot din.” Tumingin ito kay Joshua pero agad ding nag-iwas ng tingin. “Pero hindi ako close sa kanya. He made my mother sad all the time.” “You seem to love your mother a lot,” sabi pa ni Joshua. “Of course. Inalagaan niya ako nang sobra. Binigay niya sa akin ang lahat. I don’t want her to be hurt or sad. Gagawin ko ang lahat para mapasaya siya, para maging maayos ang buhay niya.” Nakatitig lang si Lizette dito. He was one devoted son to her mother. Bihira na lang ang ganoon na kilala niya. Lalo na at hindi na naman ito bata. “Pasensiya na kayo kung wala akong maibigay na impormasyon,” sabi pa ni Jason. “Ilang buwan na rin ang—” Napatigil ito nang may dumaan na dalawang estudyanteng babae sa table nila at bumati dito. “Good afternoon, Professor,” sabi ng mga ito. Ngumiti si Jason sa mga ito. “Good afternoon. Umuwi kayo ng maaga, ha?” Tumango ang babae at nagmamadali nang lumakad palayo. Nakasunod lang naman ang tingin ni Jason sa mga ito. Ibinalik nito ang atensiyon sa kanila nang tumikhim si Joshua. “Sorry, their my students,” ani Jason. “Cute, aren’t they?” Nagsalubong ang mga kilay ni Lizette dahil sa komento na iyon ni Jason. This man was weird in a way she couldn’t understand. He seemed a little creepy too as time goes by. “Puwede ba naming puntahan ang mama mo?” tanong ni Joshua makalipas ang ilang sandali. “We need her statement too.” Ngumiti si Jason, pero pilit iyon. “Kayo ang bahala. I’ll give you her contact number. Sana lang huwag niyo siya masyadong i-stress-in.” Hindi naman sila sumagot at kinuha na ang contact number ng ina nito. May ilan pa silang itinanong sa lalaki bago nagpasalamat at nagpaalam dito. Lumabas na sila ng coffee shop, naglakad patungo sa kinapaparadahan ng kanyang kotse. Naka-park iyon malapit sa entrance ng university kaya marami silang nakakasalubong na mga estudyante na naglalabasan na. Napatingin si Lizette sa isang grupo ng mga babaeng college students na nagbubulungan habang nakasunod ang tingin sa kanila. Kinawayan pa ng mga ito si Joshua. Gumanti naman ng kaway si Joshua at kinindatan pa ang mga ito na naging dahilan ng pagtitilian ng mga batang estudyante. Napailing na lang si Lizette. “They’re students, for earth’s sake,” usal niya pagkapasok nila sa kanyang kotse. Sa passenger’s seat siya pumuwesto. Seth would drive. “Ano’ng magagawa ko?” tanong ni Joshua. “I’m that famous. Campus hearthrob din ako noon,” pagyayabang pa nito. “My good looks and charisma can’t help but shine. Pinipilit ko rin naman magkaroon ng normal na buhay pero imposible.” Umaktong naduduwal si Lizette. “My stomach is turning because of your arrogance.” Tumawa naman si Seth. “Baka lumakas ang hangin, `tol,” anito. “Nagsasabi lang ako ng totoo,” ani Joshua. “And it’s really obvious.” He ran his hand on his hair. Lizette rolled her eyes. Joshua Sann was really so full of himself. “Mukhang mahal na mahal talaga ni Jason Cortes ang ina niya,” sabi ni Seth habang nagmamaneho. “Pero parang wala siyang pakialam sa kanyang ama.” “He talks a lot about his mother,” ani Joshua, sumeryoso na ang boses nito. “Masyado siyang vocal sa nararamdaman niya para sa ina niya, it’s kinda abnormal.” Tumingin si Lizette sa rearview mirror, nakitang seryoso na rin ang mukha ni Joshua. “Abnormal?” Tumango ang lalaki. “I think Jason Cortes has Oedipus complex. It’s a strong childhood attachment. Lalo na ng isang anak na lalaki sa kanyang ina. Siguro ay ang ina niya lang ang nagbigay ng atensiyon at pag-aalaga sa kanya noon kaya ganoon na lang ang kagustuhan niyang protektahan ito at pasayahin. Iyon din ang rason kung bakit hindi siya humihiwalay ng bahay. Jason wants to be with his mother because of that attachment.” “It’s not... incest, right?” nag-aalangang tanong ni Seth. “Hindi ko alam. Pero minsan sa mga may ganyang complex, umaabot na sa ganoon ang ang attachment nila.” Sandaling huminto si Joshua. “Kung sobra ang pagpapahalaga niya sa kanyang ina, posibleng gawin din ni Jason ang lahat para masigurong hindi masasaktan ang ina niya. It can include eliminating those that hurt his mother.” “You think he could have harm his own father?” Hindi makapaniwalang tanong ni Lizette. “He had an alibi, remember?” “Yes. Pero base sa mga sinabi niya kanina, kaya niyang gawin `yon. And he’s also a maniac, you know? I sensed it when he looked at those college students. Ang lagkit ng tingin niya, lalo na sa palda ng mga ito.” Napansin din iyon ni Lizette. Isa na rin ang naging komento nito sa mga college students na iyon. Cute, he said. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Joshua. “Kailangan nating malaman kung ano ang links ng tatlong biktima. I’m certain we have the same killer.” “Pero lahat ng mga taong nakapalibot sa biktima ay may alibis,” sabi ni Seth. “May mga motibo ang ilan sa kanila pero hindi sapat iyon.” Inilipat ni Lizette ang tingin sa labas ng bintana ng kotse. This case was a big mystery. Mayroon silang tatlong biktima na siguradong iisa ang killer. Pero walang pagkaka-ugnay-ugnay ang mga ito. Hindi rin magkakakilala ang mga ito base na rin sa impormasyong nakalap nila. What was going on here?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD