Major Kevin Pascua’s POV
SI RIZZA Mendoza ang sumalubong sa kanila ni Monica nang makarating sila sa residence ng mga ito sa Manila. Ipinakita ni Kevin ang SCIU ID badge sa babae. “We’re from SCIU. Nandito kami para sa kaso ng pagkamatay ni Marcelo Duenas. Puwede ka ba naming makausap sandali?”
Napansin niya ang pagkagulat sa mukha ng babae pero agad itong ngumiti at inanyayahan sila papasok sa loob ng malaki nitong bahay. “Have a seat,” anito pagkarating nila sa living area.
Sandaling iginala ni Kevin ang paningin sa paligid. The place was clean and spacious. The living area had an open layout. It had two sofas and the space was filled with re-upholstered furniture. The whole house is bare, white walls were given life with soft yellow paint. May mga nakasabit din na iba’t ibang paintings sa dingding—mukhang mamahalin.
“Ikaw lang ang nandito ngayon?” tanong niya mayamaya, ibinalik ang tingin sa babae. Naupo sila sa isang sofa. Rizza Mendoza was in her late forties. Sopistikada ito. May mga marka ng pagkabanat na rin sa mukha. Nabasa nina Kevin ang ilang impormasyon tungkol dito. Rizza Mendoza’s husband was a businessman. Marami itong pag-aaring negosyo. Sa bahay lang naman ang babae. Wala itong nakalistang business.
“Oo, nasa school ang anak ko,” sagot ni Rizza, nakaupo ito sa tapat nila.
“Ang asawa mo?” tanong naman ni Monica.
“Nasa business trip siya sa London. Noong nakaraang buwan pa.” Ngumiti ito. “Gusto niyo ba ng maiinom?”
“Hindi na,” tanggi niya. “Salamat.”
Tumango-tango ang babae. Kakikitaan ng pag-aalangan ang mukha nito ng ilang sandali. “Ano’ng... maitutulong ko sa inyo?”
Inilabas ni Kevin sa folder na hawak ang picture ni Marcelo Duenas. “Kilala mo siya, hindi ba? Marcelo Duenas. Teacher siya sa isang private school sa Manila. Nakita rin namin sa informations mo na doon nag-aaral ang nag-iisang anak mong babae—Sofia, right? Grade 12 student, first section.”
“Teacher niya si Marcelo Duenas,” dugtong ni Monica.
“Yes, kilala ko siya.” Ipinanatili ni Rizza ang ngiti sa mga labi, pero halatang pilit iyon. “Narinig ko rin ang nangyari sa kanya, nakakalungkot. He was a good teacher.”
“Madalas ba kayong nagkakausap?” tanong niya.
“No, minsan lang. Kapag... kapag may meeting ang mga parents sa school.”
Tumingin si Kevin kay Monica, bahagyang tumango.
Binuksan ni Monica ang folder na hawak nito, inilabas ang mga papel kung saan naroroon ang thread ng palitan nito ng email at ni Marcelo. “We found this in Marcelo Duenas’ email account. Mukhang hindi ‘minsan’ ang pag-uusap ninyo ng biktima, Mrs. Mendoza. Sa `yo ang email na account na ito, hindi ba? We traced the IP address, that’s why we found your place.”
Napalunok si Rizza habang nakatingin sa mga papel. “Hindi ko... hindi ko na maalala ang mga `yan. I think... nagkausap lang kami about kay Sofia. Sa studies niya. Maraming ipinayo si Sir Duenas.”
Kevin sighed. Why was this woman lying? Mas lalo itong nagiging kaduda-duda dahil sa ginagawa nito. Inabot niya ang isang papel at binasa ang isa sa mga emails. “Malapit na ang sunod na grading. Ikaw na ang bahala sa anak ko.” Tumingin siya sa babae. “Ano ang ibig sabihin noon? You both talk about payments. Payments for what, Mrs. Mendoza? Kung nagbibigay lang siya ng payo, bakit may bayaran na kailangang banggitin?”
Nakita nila ang pagkataranta sa mukha ni Rizza. “Hindi ko alam ang tungkol sa... sa emails na `yan. Baka may ibang gumamit ng email address ko para diyan. I know nothing.”
“Nalaman namin na tumatanggap ng bribes si Marcelo Duenas mula sa mga magulang na gustong magkaroon ng mataas na grado ang kanilang mga anak,” sabi ni Monica. “Is that what it is? Nagbabayad ka para sa grades ng anak mo?”
“Kailan kayo huling nagkita at nagkausap ni Marcelo Duenas?” dagdag na tanong ni Kevin. “Ano ang problemang nangyari na sinabi niya sa email?”
Kumuyom na ang mga kamay ng babae. “Is this an interrogation now?” sarkastikong sabi ni Rizza. “Dahil kung ganoon, may karapatan akong tumawag ng lawyer, right? Wala akong alam sa mga sinasabi ninyo. Wala akong alam sa pagkamatay ni Marcelo.” Tumayo na ito at itinuro ang pinto. “Puwede na kayong umalis.”
Tumayo si Kevin, tiningnan ang babae. “We’ll come back with a warrant, Mrs. Mendoza,” sabi niya. “Mabuti pa na sabihin mo na ang nalalaman mo bago mahuli ang lahat. Staying silent will only make you more suspicious.”
Hindi na naman sumagot ang babae kaya lumabas na sila ni Monica ng bahay. Napabuga ng hininga si Kevin pagkarating nila sa kanyang kotse, umiling-iling. “Liar.”
“Makakakuha ba tayo ng warrant?” tanong sa kanya ni Monica.
“Oo, may ebidensiya tayo—ang mga emails na `yan, maging ang IP address. Hindi ko maintindihan kung bakit mas gusto niya pang humarap sa isang official interrogation. Ano ba ang itinatago niya?”
“If it’s bribery, she could just admit it,” sabi ni Monica. “Para hindi na siya mapag-suspetsahan sa murder.”
Ini-start na ni Kevin ang kotse. “Posible na may alam siya sa pagkamatay ni Duenas,” sabi niya. “Kaya hindi siya magsalita.”
Monica grunted. “This is going to be a big case, right?” Tumingin ito sa kanya. “Ganito rin tayo sa unang case na hinawakan natin.”
Sinulyapan niya ang dalaga, ngumiti. “But we solved it, right? Mareresolba rin natin ito, maniwala lang tayo.”
Gumanti naman ng ngiti si Monica, nangingislap ang mga mata. Habang nasa biyahe ay nag-usap lang sila ng tungkol sa kaso. He listened to Monica’s theories. And vice versa. Kevin was glad that Monica was coming out of her shell completely. She was becoming more active and talkative.
Pasado alas-singko na ng hapon nang makabalik sila sa headquarters. Napatigil sila sa pagpasok sa HQ nang makita kung sino ang papasalubong. “Jared,” bati niya sa lalaki.
“Hey,” maluwang na ngumiti ang lalaki. “Binisita ko si Papa sa loob. Mabuti nakita ko kayo dito.” Tumingin ito kay Monica. “Monica, right?”
Tumango si Monica at nginitian ang lalaki. Isang journalist si Jared Perez. Anak ito ng Chairman ng SCIU na si James Perez. Nakilala nila ang lalaki dahil sa unang kasong hinawakan nila dito sa ahensya. Tinulungan din sila nito noon. After that, they met a few times in other cases.
Ibinalik ni Jared ang tingin sa kanya. “May bago kayong case na hawak? `Need help?”
“Hindi muna sa ngayon,” sagot ni Kevin. “It’s private.”
“Oh.” Jared pouted.
“Bakit hindi ka na lang magtrabaho dito, Jared?” tanong ni Monica dito. “You’re a good journalist. `Sabi nga rin nina Kevin. May bagong department na ang SCIU para sa mga katulad mo.”
“Tama si Monica,” aniya. “Siguradong magiging malaking tulong ka sa department na `yon. Your articles have great impact on the public. May nababasa rin akong mga reviews. Kailangan ng SCIU ng mga katulad niyo na naglalabas ng katotohanan sa masa, para na rin sa kapakanan nila.”
Kumislap ang mga mata ni Jared. “Thank you. Gusto ko nga rin pero...” Bumuntong-hininga ito. “I told you naman. My father won’t let me work here.” He rolled his eyes. “Natatakot ako na magpaalam.”
“The Chairman?” Napaisip si Kevin. “I’ll try asking him for you. Ire-recommend kita. Hindi naman magiging mapanganib ang trabaho ninyo sa department na `yon kaya hindi na kailangang mag-alala ng papa mo.”
May bumahid na pag-asa sa mukha ni Jared. “Really? Thank you so much, Kevin. Magiging sobrang saya ko kapag nakapasok ako sa SCIU.”
Nagkibit-balikat lang siya. Nakita niya naman na may naitutulong din si Jared. His interest in crimes would be of help. Marami na rin itong nabasang mga krimen sa diyaryo at iba’t ibang articles kaya puwede nilang mapagtanungan minsan.
Sumulyap ito kay Monica. “Nasaan ang iba ninyong kasama sa team?”
“May kinakausap sila,” sagot ni Monica.
“We need to go inside, Jared,” paalam niya sa lalaki. “Pasensiya na kung hindi kami makakapagtagal sa pakikipag-usap.”
“It’s alright. Paalis na rin ako.”
Nagpaalam na siya dito at lumakad papasok sa HQ. Pagkarating nila sa kanilang opisina ay nakitang naroroon si Jasmine Evangelista, naghihintay.
“There you are,” sabi ng babae, lumapit sa kanya. “Pinapatawag ka ni Chief Babor sa opisina niya.”
Kumunot ang noo ni Kevin pero hindi na nagtanong. Sinabihan niya si Monica na hintayin lang doon ang iba nilang kasamahan bago lumabas. Ano naman kaya ang kailangan ni Chief Babor sa kanya? It was not time to report yet.
Dadaan na rin siya sa opisina ng Chairman mamaya para irekomenda si Jared dito. Hindi niya alam kung papayag ang chairman but he would give it a try.
Kumatok si Kevin sa opisina ng chief bago iyon binuksan. Sumaludo siya kay Chief Alfonso Babor pagkapasok, nakaupo ito sa swivel chair sa likod ng desk nito.
“Pinatawag niyo raw ako, Chief,” sabi niya. “Kababalik ko lang din sa HQ.”
Ngumiti ang lalaki. “Have a seat.” Chief Babor gestured towards the chair in front of his desk.
Naupo siya doon. “May problema ba?” Matagal na ring kakilala ni Kevin si Alfonso Babor, bago pa ito maging Chief ng SCIU. Alfonso was a Colonel in the Marines back then. Marami na rin itong nasamahan na mga misyon. Mas matanda ito sa kanya ng isang taon.
Paminsan-minsan ay nagkikita sila sa labas, umiinom. Kaibigan na ang turingan nila pero kapag nandito sa SCIU ay Chief ang turing niya dito. Kailangan niya itong sundin at igalang.
“Wala naman.” May hinanap si Chief Babor sa patas ng folders na nasa mesa nito. Simula nang maging chief ito ng SCIU ay napakarami nang ginagawa. “I was reading the reports on your first case here. Iyong serial abductions committed by Vergara.”
Kumunot ang noo ni Kevin. What about it? Ilang buwan na rin ang nakalipas matapos nilang maisara ang unang kasong hinawakan.
Binuksan ng chief ang folder. “Nakasulat sa report ninyo na may hiningan kayo ng tulong para mahanap ang Web site na pag-aari ng suspect. You hacked some people’s accounts. Hindi iyon ang tech support ninyo, right? Dahil makikita namin kung may unauthorized hacking na ginawa.”
Tumango si Kevin. He remembered that. Kailangan nilang humingi ng tulong ng isang hacker noon.
Umiling-iling si Chief Babor. “Bakit isinama mo pa iyon sa report, Major?” tanong nito, natatawa. “You could have just left it. Hindi na ito makukuwestiyon sana.”
Ngumiti si Kevin. “There will be a loophole on the report kung hindi ko isinama. At alam ko na mapapansin mo rin iyon.” Alfonso Babor didn’t become Chief for no reason. Mahusay itong mag-review ng mga reports, makakita ng butas at kuwestiyunin ang mga iyon. “At isa pa, hindi ko gawain na magsinungaling sa reports o gumawa ng labag sa rules ng ahensya.”
Chief Babor sighed. “You were always a good soldier, Pascua, honest.” Isinara nito ang folder. “Pero mayroon ka pa ring hindi isinama sa report. The name of that hacker who helped your team.” Sumandal ito sa kinauupuan. “Sino siya?”
Ilang sandaling natahimik si Kevin. Nangako ang team nila sa hacker na iyon na hindi ito idadamay sa kaso. “I can’t say that. Hindi niya gustong madamay. I’ll just take all the responsibilities, Chief. Kung kinakailangan. Tumulong lang naman siya sa amin.”
Pinakatitigan siya ni Chief Babor, seryoso na ito. “There will be no responsibilities, Major. Huwag kang mag-alala. Ako na ang bahalang kumausap sa Chairman. Sasabihin ko na kailangan ang ginawa ninyo.” Ngumiti ang lalaki. “Sometimes we need to bend some rules for justice.”
“Kung ganoon, bakit mo itinatanong kung sino siya?” curious na tanong niya.
“How good is he?” ganting tanong ni Chief Babor. “The hacker.”
“Hindi ko siya nakilala,” sagot niya. “Sina Senior Inspector Salcedo at Inspector Sann ang humingi ng tulong sa kanya noon. But they said that he’s good. He broke into multiple firewalls to enter that site.”
Tumango-tango si Chief Babor. “Can he break into SCIU’s system?”
Kumunot ang noo ni Kevin. “Hindi ko alam. Pero sinabi sa akin ni Senior Inspector Salcedo na sinigurado nilang hindi gagawa ng masama ang hacker na iyon.”
“Hindi natin malalaman. Isa sa pinakamahigpit na kalaban ng mga ahensiyang tulad natin ang mga hackers. Alam mo naman siguro na minsan nang na-target ng hackers ang SCIU. That’s why we increased the system’s security. Pero hindi pa rin tayo nakakasigurado dahil maraming mahuhusay na hackers sa labas.” Sandaling huminto ang lalaki. “That’s why I want to meet that man. Maybe he wants to join the agency.”
Napangiti na si Kevin. “So you want to recruit him. Nagiging magaling na kayo sa aspect na `yan.” Napailing pa siya. Chief Babor and Director Bactan was in charge of recruiting new agents for SCIU. Both of them were good at spotting talents.
Nagkibit-balikat si Chief Babor. “We need to strengthen this agency until it becomes the strongest one in the country. Kailangan din ng ahensya ng mga hackers, computer programmers para na rin sa security at iba pang mga bagay. That’s why I want to meet people with great skills.”
Napaisip si Kevin. Wala namang magiging problema kung gusto lang itong makausap ni Chief Babor. “Itatanong ko kina Senior Inspector Salcedo kung puwede nilang subukang makausap uli ang taong iyon. But I can’t promise that he will join.”
“Okay lang. Walang problema kung hindi siya pumayag. We’ll just keep an eye on him.”
Naiiling na napatawa si Kevin. “You’re worrying too much, Alfonso,” hindi napigilang biro niya. “Hindi lahat ay kalaban ng agency.”
Napatawa na rin ang lalaki. “We’ll see.”
“Speaking of recruitment, gusto ko sanang makausap si Chairman Perez,” aniya. “May ire-recommend ako na puwedeng ma-recruit para sa bagong department. Sa journalism department.”
“Sino?”
“Ang anak niya.”
“Oh.” Tumango-tango si Chief Babor. “Jared Perez. He’s a good journalist. Ang alam ko ay nasa loob ng opisina niya ang chairman, puntahan mo na lang siya. At sabihan mo na lang din ako kapag nakausap niyo na ang hacker na tumulong sa inyo.”
Tumango si Kevin, sumaludo dito at lumabas na ng opisina. Dumeretso siya sa opisina ng Chairman para gawin ang ipinangako kay Jared Perez.