Sergeant Seth Pulo’s POV
PINAGBUKSAN ni Seth ng pinto ng kotse niya si Kylene pagkarating nila sa bahay nito sa Quezon City pagkabalik nila galing sa dinner sa isang restaurant. Kasunod nila ang kotse kung saan nandoon ang bodyguard ng dalaga na si Louis Saavedra.
“Thanks for the wonderful dinner,” nakangiting sabi ni Kylene.
“You’re welcome. Masaya ako na nagustuhan mo ang restaurant na iyon,” sagot niya.
“Do you want to stay for a while? For tea?” nag-aalangang tanong ng dalaga.
“Okay lang ba?” tanong ni Seth, sinulyapan si Louis na nakalapit na sa kanila. Kanina pa itong nakabantay lang kay Kylene. Kahit naiilang si Seth ay hinayaan niya. Alam niya na trabaho ito ng lalaki. Kahit ilang buwan nang hiatus sa showbiz si Kylene, kilala pa rin ito.
“Oo naman.” Maluwang na napangiti si Kylene. Nilingon nito si Louis. “You can rest now, Louis. Mag-uusap pa kami ni Seth sa patio.”
Kumunot ang noo ni Louis, tumingin sa kanya. The man obviously didn’t trust him still. Yumuko lang si Seth.
“It’s fine, Louis,” sabi pa ni Kylene, may pagkainis na sa boses. “I need a little privacy, too. Magpahinga ka na.”
Wala na namang nagawa si Louis kundi ang lumakad patungo sa isang cottage na malapit sa main house.
“Pasensiya ka na sa kanya. He’s really overprotective,” natatawang sabi ni Kylene. “Sa patio tayo. Maghahanda lang ako ng tea.”
Sumunod lang naman si Seth sa dalaga hanggang sa makarating sila sa patio na nakatapat sa isang malaki at pahabang swimming pool. Naupo siya sa isang rattan couch habang si Kylene ay pumasok sa loob ng bahay para maghanda ng tea. Gusto niya sana itong tulungan pero minabuting manatili na lang doon. Hindi siya puwedeng basta-basta pumasok sa bahay ng isang babae. He wanted to respect her.
Sandali siyang naghintay bago nakita ang pagbalik ni Kylene. Mabilis siyang tumayo, sinalubong ito para tulungan sa dalang tray na may mga tea. Ipinatong niya iyon sa mesita.
Bumalik sa pagkakaupo si Seth sa rattan couch. Tumabi sa kanya si Kylene. He stilled. She was so close that he could smell her amazing womanly scent. Kylene smelled good, sweet. Nakatatak na ang amoy na iyon sa kanyang isipan.
Tumikhim si Seth, inabot ang isang tasa ng tea. He sipped a little before placing it back on the table. “Si Katrina?” tanong niya. They needed to talk so he could calm himself. Bakit ba ganito ang nararamdaman niyang pagkasabik kapag kasama ang babae? This was very unfamiliar and new to him.
“Tulog na siya kanina pa bago tayo magkita,” sagot nito. “Maaga siyang natutulog ngayon.”
“Okay na ba siya?”
Tumango si Kylene pero may kalungkutan sa mga mata nito. “She’s doing better. She has her own bodyguard, too. At madalas na rin naman kaming nagkakasama. We’re bonding a lot. What happened back then taught me a lesson. I should prioritize my sister first.”
Pinagmasdan ni Seth ang dalaga. Hindi niya ito gustong makitang nalulungkot. If only he could take her sadness.
Tumingin sa kanya si Kylene. Ilang sandaling nagsalubong ang kanilang mga mata. Her black, innocent-looking eyes were very beautiful. She was beautiful. Lahat ng lalaki ay gugustuhin na mapalapit sa katulad nito. Kaya nag-aalangan si Seth kung deserve niya ba ang dalaga. Sino ba naman siya? He was just an ordinary soldier. An ordinary man.
Iniiwas ni Seth ang tingin. “Dito na rin talaga nakatira ang bodyguard mo,” sabi niya.
“Yes. May sariling cottage siya. Kasama niya na doon ngayon ang bodyguard ni Katrina. Louis is a good man. Pinagkakatiwalaan ko siya ng sobra. At ikaw din.”
Ibinalik ni Seth ang tingin dito. Kylene’s eyes were softening.
“I’m lucky to have people around me whom I can trust,” dugtong pa ng dalaga, ngumiti. “At mga nakahandang protektahan ako.”
Tumalon ang puso ni Seth sa ngiti na iyon ng babae. Mas lalo itong gumanda dahil doon. “I’ll do everything to protect you,” pangako niya. “Pati na rin si Katrina. Huwag na huwag kang mahihiyang lumapit sa akin o tumawag kapag kailangan mo ng tulong.”
Tumango-tango ito. Happiness was now in her eyes. Oh, if only he could stare at her like that for a long time.
“Ikaw, kumusta ka?” tanong pa ni Seth. “Sigurado kang hindi ka na babalik sa showbiz? May... may mga news akong nababasa sa tabloid tungkol sa `yo. Mga haka-haka ng kung sinu-sino. Hindi naman ako naniniwala.”
He was talking about articles that assume different reasons on Kylene’s hiatus. May mga nagsasabi na buntis daw ito. Na may kinakasamang isang matandang lalaki at kung anu-ano pa.
“Being in the entertainment industry, you will be judged a lot. By the public,” sagot ni Kylene. “Hindi nila naiisip na tao lang din kami. Ngayon na pinili kong umalis na sa showbiz, nanghuhusga pa rin sila. Hinuhusgahan nila ang buhay na pinili ko. Alam ko na hindi ako perpekto, at hindi rin naman ako nabubuhay para maging perpekto. I just hoped that before they start pointing fingers, they should make sure that their hands were clean.”
Inabot ni Seth ang isang kamay nito, hinawakan ng mahigpit. He stared deep into her eyes. He didn’t know how to comfort her. This was the only way he could think of.
“I believe in you,” bulong niya. “I know you’re a good person.”
Matamis na ngumiti si Kylene. She moved her hands so that their fingers could intertwine. Hinigpitan naman ni Seth ang pagkakahawak sa kamay nito. He would be her support anytime she wanted.
“How about you? Kumusta ang trabaho?” tanong ni Kylene makalipas ang ilang sandali.
“May bago kaming kaso na hawak. Serial killing, sabi ng mga kasama ko. But everything is still a mystery.”
“Is it dangerous?” may pag-aalala na sa mukha ni Kylene.
“Hindi ko alam.” Inilipat ni Seth ang tingin sa unahan. Hindi niya puwedeng ikuwento sa iba ang tungkol sa mga kasong hawak. Hindi niya rin gustong malaman iyon ni Kylene at madamay pa ito. Gusto niyang ilayo ang dalaga sa kanyang trabaho hangga’t maari. Their work in SCIU was dangerous in nature.
“What’s wrong? May nangyari ba?”
“Wala naman.” Pinilit niyang ngumiti. “Maraming kaming nakilalang iba’t ibang klase ng tao dahil sa kasong ito. Kanina, nakakilala kami ng isang lalaki na sobrang attached sa kanyang ina. He wants to protect her mother at all cost. Dahil na rin daw sa palagi itong malungkot noong nabubuhay pa ang kanyang ama.”
“You remembered your mother?” tanong ni Kylene.
Tiningnan niya ang dalaga. Naikuwento niya na dito minsan na wala na ang kanyang mga magulang. Pareho lang naman sila ng sitwasyon ng dalaga. Ulila na rin ito at ang kapatid na si Katrina.
Tumango siya. “Palagi ring malungkot noon si Mama,” sabi niya. “Umiiyak. Dahil binabalewala siya ni Papa. Dahil babaero si Papa.”
“Do you hate your father?”
“No,” sagot ni Seth. “I don’t. But I love my mother more. Iniisip ko noon na puwede pang magbago si Papa. Pero bigla niya na lang kaming iniwan. Noong namatay siya, mas lalong nalungkot si Mama. I tried hard to make my mom happy. Ipinangako ko na poprotektahan ko siya paglaki ko. Na ibibigay ko sa kanya ang lahat kapag nagkatrabaho na ako. But then she got sick and died. Nalulungkot ako na wala man lang akong nagawa sa mga pangakong `yon.”
“You’re too young back then,” sabi ni Kylene, nakatitig na lang ito sa kanya. “Naniniwala ako na naging masaya rin ang mama mo dahil sinuportahan mo siya. Dahil hindi ka umalis sa tabi niya.”
Bumuntong-hininga si Seth. He missed his mother. He couldn’t remember a lot about his parents dahil bata pa siya nang mawala ang mga ito. Pero mahal niya ang mga ito kahit ano pa ang pagkakamaling nagawa. Ang mga ito pa rin ang dahilan kung bakit siya nabubuhay.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila. Sinulyapan ni Seth ang relo na suot. It was already past ten in the evening. “I should go home. Para makapagpahinga ka na.” Inabot niya ang cup of tea at nilagok ang laman niyon na lumamig na. “Salamat sa tea.”
Pagtayo ni Seth ay tumayo na rin si Kylene. Humakbang ito palapit sa kanya. Nagulat siya nang bigla siyang yakapin ng dalaga sa baywang.
“I know it’s hard living alone, Seth,” masuyong bulong ni Kylene. “Ako, may kapatid pa ako kaya naging bearable ang lahat. I know you had been through a lot.”
Ginantihan ni Seth ang yakap ng dalaga. Ah, her warmth. Pinapabilis na naman niyon ang t***k ng kanyang puso. Tumingala ito sa kanya. “But you did well. You did so well. You are a good man, I believe that. Deserve mo na maging masaya.”
Ngumiti na si Seth. “Thank you,” he whispered. Gusto niyang sabihin na masaya siya ngayon dahil nakilala niya ito, dahil kasama niya ito.
Akmang lalayo na si Kylene pero mas hinigpitan ni Seth ang pagkakayakap dito. Just a few more seconds. Gusto niya pang maramdaman ang init at lambot ng katawan ng dalaga. He would need that for the next days.
Mahinang tumawa si Kylene at hinayaan lang siya. Makalipas ang ilang sandali ay napilit na ni Seth ang sarili na pakawalan ito. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ng dalaga. “Magpahinga ka na,” bulong niya. “I’ll see you again some other time.”
Tumango si Kylene. Inihatid siya nito hanggang sa gate. “Go inside,” sabi pa niya. “Aalis ako kapag nakapasok ka na sa loob.”
Napatawa na ang dalaga. “Mag-iingat ka sa pagda-drive,” anito. Kumaway pa ito bago naglakad papasok sa loob ng bahay.
Nang makita ni Seth ang pagsara ng pinto ay lumakad na siya patungo sa kinapaparadahan ng kanyang kotse. He went inside and started the ignition. Napahawak siya sa ulo dahil sa pananakit niyon. Kailangan niya na talagang magpahinga. Marami pa silang kailangang asikasuhin sa trabaho bukas. He was so tired but it was okay. Dahil nakita at nakasama niya si Kylene.
Hindi man niya naamin dito ang nararamdaman ay sapat na naman ang naging oras nila. Maybe some other time he would have the strength to ask her out officially. Napangiti na si Seth. Yeah, some other time. Hindi niya kailangang madaliin ang lahat.