Episode 6

1849 Words
Inspector Joshua Sann’s POV KINUHA ni Joshua sa printer ang mga printed informations ng bawat biktima nang lumabas ang mga iyon. Sinulyapan niya si Edgar Isaac na nakaupo sa desk ni Richard. Ito ngayon ang tumutulong sa kanila bilang tech support. “Can you work with the CCTV footages, too?” tanong niya, naupo sa harap ng kanyang desk. “Oo naman. Maasahan ako basta tungkol sa computer and other technologies. I’ll look into the Duenas’ phone and laptop too.” Tumango-tango si Joshua. Ibinaba niya ang tingin sa mga papel na hawak, sinimulang basahin iyon. There were little background information about Marcelo Duenas. Katulad lang din iyon ng mga ibinigay sa kanila. “Kailangan ko lahat ng text messages, call histories at emails ni Duenas,” sabi niya. “Can you hack into his email? In case hindi nakabukas iyon sa laptop.” “Easy peasy.” Ngumisi pa si Edgar. Sandaling pinagmasdan ni Joshua ang lalaki. Unang ibinibigay na impresyon ni Edgar sa mga tao ay ang pagiging palikero nito. Katulad niya, madalas ding hindi sumusunod sa rules si Edgar. He was a womanizer, too. Mas malala sa kanya. Base rin sa pagkakabasa ni Joshua sa lalaki, hindi ito sanay nang hindi nakukuha ang gusto. Edgar Isaac was born with a golden spoon in his mouth. He was spoiled. Kaya hindi na rin nakakapagtaka na kung may magustuhan ito ay kinukuha. That could be bad in a way. Hindi nila malalaman kung hanggang saan ang puwedeng gawin ng taong katulad nito kapag may nagustuhan. “So you can do hacking,” ani Joshua. “Kaya mo ring pasukin ang systems ng government agencies?” Tumingin sa kanya si Edgar. “I’m not that good. Hindi ko rin nasusubukan iyon. Hacking is kinda boring for me.” Nakikita niya na nagsasabi ito ng totoo. “It seems like you prefer interesting stuff. Like games. Dangerous games.” Ngumiti si Edgar. “Of course. The adrenaline rush feels good. I like games. Lalo na kung competitive ang mga kalaban ko.” Ibinalik nito ang tingin sa laptop na kaharap. “Gun firing is my favorite game. I have this fascination with guns. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin matalo si Kevin tuwing may session kami.” Sumulyap ito sa kanya. “Nakasama ka noon sa isang session namin, right? Tanda ko. You’re also good. Hindi na naman nakakapagtaka sa mga taong nag-aral sa police academy or military.” “Nag-training ka rin sa military, `di ba?” “For two years. Ipinatapon lang ako doon ni Papa para daw tumino ako.” Tumawa pa ito. “Ipinatapon? You did something bad?” Pinakatitigan ni Joshua ang lalaki. Bigla ay nakaramdam siya ng interes sa pagkatao nito. Edgar Isaac seemed to like talking about himself. A narcissist, maybe. Napakamot sa ulo si Edgar. “Couple of things. Pero hindi naman ganoon kasama. I played a lot when I was younger. Nabawasan na ngayon. Naisip ko na gusto kong maging katulad ni Kevin na nirerespeto ng mga nakakakilala sa kanya.” Tumango-tango si Joshua. Matagal niya nang napansin na talagang hinahangaan ni Edgar si Kevin. “Matagal na kayong magkaibigan ni Kevin?” “Nakilala ko siya noong training days ko sa military. Siya ang superior ko. Siya ang kauna-unahang tao na nag-utos sa akin, wala siyang pakialam kahit na makapangyarihan ang pamilya ko.” Ngumiti si Edgar. “Alam mong lahat ng mga nakakilala sa akin, sinasamahan lang ako dahil sa background ko, dahil sa pamilya ko, dahil sa papa ko. Mabibilang lang sa daliri ang kinaibigan ako nang hindi dahil sa mga `yon.” Tumaas ang isang gilid ng mga labi ni Joshua. He was right. Edgar Isaac was also an attention-seeker. Dahil sa pinanggalingang makapangyarihang pamilya kaya iniisip nito na makukuha ang lahat. Gumagawa ito ng mga kalokohan para sa atensiyon. Para mapansin ito bilang ito, at hindi anino lang ng ama nitong si PNP General Guillermo Isaac. Mukhang gusto nitong makuha ang atensiyon ni Kevin. Iniisip niya na gusto rin itong makuha ni Edgar. Dahil na rin sa kakaibang pagtrato dito ni Kevin. A challenge for Edgar. Simula pa lang ay pansin na ni Joshua ang itinatago ng lalaki. Edgar Isaac was a bisexual. He was sure of that. Joshua could see him eyeing Kevin in a different way. He was touchy too. He seemed attracted to him. And attached. Sinasabi lang nito na parang kapatid ang turing kay Kevin. Bakit? Dahil imposibleng tugunin ni Kevin iyon. Pinigilan ni Joshua ang sariling matawa. He had nothing against bisexual or gays or anyone in the l***q community. Nakakatawa lang na ang isang katulad ni Edgar Isaac ay napapasunod ni Kevin. “Something funny?” narinig niyang tanong ni Edgar. “Wala, may naalala lang ako.” “Kayo? Bago lang kayong magkakilala ni Kevin? Madalas na kayo na ang sinasamahan niya ngayon,” anito. There. There. Don’t get jealous. Gusto sanang sabihin ni Joshua iyon pero pinigilan ang sarili. If the man wanted to hide that fact, who was he to reveal it? “Magkasama kami sa team, natural na `yon. Nagkakilala kami a few years ago, hindi ko na lang maalala ang mga detalye.” Tumango si Edgar. Mukhang may gusto pa itong itanong pero ibinalik na lang ang atensyon sa laptop. Siya naman ay sa mga papel na hawak, nagbasa. Marcelo Duenas had no family. Namatay ang mga magulang nito sa isang aksidente. Wala rin itong mga kapatid. Lumaki ito sa isang orphanage. Nag-aral ng Education at naging licensed teacher. Pag-aari na ni Duenas ang bahay at lupa kung saan ito pinatay. He also owned a car. Kumunot ang noo ni Joshua nang makita ang bank account records ng biktima. He saved a lot. Pero nakakapagtaka na ganoon ang laman ng account nito. It was too much for a teacher. Napansin din niya na nitong nakaraang mga buwan ay may malaking halaga itong idineposit. Hinaplos-haplos ni Joshua ang baba. Wala sa information ni Duenas na may iba itong pinagkakakitaan. Saan nanggaling ang malalaking halaga na iyon? Something smelled fishy. “You know Ann, right?” narinig niyang tanong ni Edgar mayamaya. “Rodis? Iyong kasama mo sa journalism department?” “Yes. I think she likes you. Madalas ka niyang bukambibig sa opisina namin, ipinagtatanggol ka rin kapag pinag-uusapan ka dito sa headquarters.” Tumawa ito ng mahina. “Tinanong niya minsan sa akin kung malapit ako sa `yo. Maybe she wants to set up a date.” “Oh, yeah?” Joshua replied, uninterested. Sanay na siya sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Ibinalik niya ang atensiyon sa binabasa. “What do you think? Ann is beautiful and hot. Hindi mo ba siya type?” “Tinutulungan mo ba siya?” Sinulyapan niya ang lalaki. Joshua was surprised. Edgar was the type of person who won’t initiate to help anyone. Lalo na kung wala itong makukuha. “Maybe? Kaming dalawa lang ang magkasama pa ngayon sa journalism department, parang kaibigan ko na rin si Ann.” Kumunot ang noo nito. “Don’t you like her type?” “I like sophisticated woman, yes.” Pati na ang mga nakakasabay sa kanya, lalo na pagdating sa kama. Ann seemed to be in that category. She was liberated. Lumaki ito sa States. Ilang beses na ring nakausap ni Joshua si Ann. Napansin niya nga na interesado ito sa kanya. But he couldn’t feel an attraction in her. Nakakapagtaka rin. “Hindi mo ba siya tipo?” batong tanong na lang niya. Ngumisi si Edgar. “Well, she’s fine.” Kumislap ang mga mata nito. “If you won’t take her, I might just go for her.” Nagkibit-balikat na lang si Joshua. He could do whatever he wanted. Mukha namang tipo rin nito si Ann. “Though, I really prefer innocent-looking women,” dugtong pa nito. “They’re cute.” Hindi na nagsalita si Joshua at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Impormasyon naman tungkol sa biktimang si Terre Limcao ang binasa niya. The woman was alone too. Wala na itong kapamilya. Nakalagay doon na may criminal history ito—prostitution. Isa itong bugaw. Limcao was arrested twice of prostituting teenage girls in Quezon City. Dahil wala itong kapamilya ay walang nagsampa ng kaso sa pagkamatay nito. Her case remained unsolved and unattended. Siguro dahil na rin sa background ng babae. No one really care about people who do crimes for money. Sunod niyang binasa ang impormasyon tungkol sa isa pang biktima na si Michael Cortes. A man in his forties. Now, this one had a family. May asawa ito at isang anak na lalaki. Nakalagay doon ang pangalan ng mga ito. His wife was the one who saw the body. Ito rin ang nag-report sa mga pulis. Cortes was killed only four months ago. Hindi na umusad ang imbestigasyon ng kaso nito dahil walang lumabas na lead. Hindi na rin naman nag-follow-up ang pamilya ng biktima o nag-request ng reinvestigation. Why was that? Napatingin si Joshua sa unahan nang lumapit sa desk niya si Edgar, may iniabot na mga papel. “Copies of Duenas’ deleted emails these past months.” Nagpasalamat siya sa lalaki at binasa ang mga emails na iyon. Something caught his attention. Mga emails galing sa account na: rmendoza12@g*******m. Ilang beses ding nagpalitan ng emails ito at si Duenas. Binasa ni Joshua ang ilang threads: rmendoza12: Have you thought about what we talked last PTA meeting? Kaya mo bang gawin `yon? marceloduenas: Oo, kaya ko. Magkita na lang tayo para pag-usapan ang bayad. rmendoza12: Good. Magkita tayo sa Starbucks na malapit sa school bukas. Pag-usapan nating mabuti. Another thread: rmendoza12: Malapit na ang sunod na grading. Ikaw na ang bahala sa anak ko. marceloduenas: I need more payment. rmendoza12: Fine. Just do what you have to do. Ang kahuli-huling thread ay mahigit isang buwan lang ang nakalipas... marceloduenas: May problema tayo. I need to talk to you. ASAP. rmendoza12: Same place. Same time. Pagkatapos noon ay wala nang sumunod na palitan ng e-mail sa pagitan ng dalawa. Napaisip si Joshua. Something was going on. Ikaw na ang bahala sa anak ko. Ibig sabihin ay estudyante ni Marcelo Duenas ang anak nitong kapalitan niya ng e-mail. Bahala saan? Sa grades nito? Base sa threads ng mga ito, may posibilidad na may bribery na nagaganap. At mayroong nangyaring problema doon. Anong problema iyon na naging rason ng pagtigil ng usapan ng mga ito at pagkamatay ni Marcelo Duenas? Posible kaya na ang kapalitan nito ng e-mails ang pumatay dito? Kailangan nilang malaman kung sino ito. Tumayo si Joshua at lumapit kay Edgar. Inabot niya dito ang papel na hawak. “Kaya mo bang hanapin ang IP address na pinanggalingan ng emails na ito? rmendoza12@g*******m ang account ng sender.” Tumango-tango si Edgar. “Ibibigay ko kaagad sa `yo kapag nahanap ko na.” Bumalik na si Joshua sa kinauupuan. They found a lead and a possible suspect. Kailangan lang nilang mahanap kung sino iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD