Episode 5.2

1299 Words
Senior Inspector Lizette Salcedo’s POV NAKIPAGKAMAY si Lizette sa Vice Principal ng Bonifacio Private School na pinagtatrabahuhan ni Marcelo Duenas. Ito ang sumalubong sa kanila dahil wala raw doon ngayon ang Principal ng school. Renato Concepcion ang pagpapakilala nito sa kanila. “Nagluluksa pa rin ang buong eskuwelahan sa pagkawala ni Sir Duenas,” sabi ng Vice Principal habang naglalakad sila patungo sa Faculty Room. “Marcelo was a great teacher. Maraming mga estudyante at co-teachers niya ang sobrang nalulungkot sa pagkawala niya.” Pumasok na sila sa loob ng Faculty Room. Agad na nagtinginan ang mga teachers na naroroon. Dinala sila ng Vice Principal sa isang pabilog na mesa sa sulok. “Have a seat.” “Ano’ng grade ang tinuturuan niya?” tanong ni Lizette. “Grade 12. Adviser siya ng first section.” “Matagal na siyang nagtatrabaho dito?” tanong naman ni Seth. Tumango si Vice Principal Concepcion. “Matagal na rin. Magpi-pitong taon na.” “Gaano mo siya kakilala?” Tumingin sa kanya ang lalaki. “Hindi ko siya gaanong kakilala dahil nakakapag-usap lang kami kapag may meetings or may kailangan siya. Pero alam ko na mahusay na teacher si Sir Duenas.” Iginala ni Lizette ang paningin sa loob ng Faculty Room. Nakuha na ng mga pulis na unang nag-imbestiga sa kaso ang mga gamit doon ng biktima. Nai-transfer na rin sa kanila. “Mayroon ba siyang ka-close na teachers dito? Na puwede naming makausap?” tanong niya. Sandaling nag-isip ang lalaki. “Alam ko na malapit siya kay Teacher Cess.” Tumayo ang vice principal at tinawag ang tinutukoy. Agad namang lumapit sa kanila ang isang babae na siguro ay nasa early thirties nito. Pugto ang mga mata ng babae—marahil ay dahil sa pag-iyak. “Gusto ka nilang makausap. Taga-SCIU sila.” Naupo sa tapat nila ang babae. Nagpakilala sila dito, and vice versa. Cess Ceneta ang pangalan nito. Ang vice principal naman ay nanatiling nakatayo sa gilid. Napansin pa ni Lizette na parang kinakabahan si Cess. Hindi na naman nakakapagtaka. Most of the people get nervous when being question by the police. Tiningnan niya si Seth at hinayaang ito ang mag-interoga sa babae. Nakamasid lang si Lizette sa mga ito. “Gaano katagal na kayong magkakilala ng biktimang si Marcelo Duenas?” panimula ni Seth. “Malapit ka ba sa kanya?” Tumango si Cess. “Siya ang... tumulong sa akin na maka-adjust sa school na ito simula nang mai-transfer ako. Mabuting tao si Marcelo.” Suminghot na ang babae, naiiyak. “Hindi... hindi pa rin ako makapaniwala na... na wala na siya.” “May mga naikukuwento ba siya sa `yo? Kung may kagalit siya? May nagtatangka sa buhay niya?” Umiling-iling ang babae. “Wala. Marcelo was a good person. Wala akong maisip na posibleng gumawa nito sa kanya.” “Wala kang alam na ginawa niyang mali?” Kumunot ang noo ni Cess. “Ano’ng mali? Wala naman siyang ibang trabaho dito kundi magturo.” “Anything suspicious about him these few weeks?” “Wala.” Bumuntong-hininga si Seth. “Kilala mo ba ang girlfriend niya? May naikukuwento ba ang biktima tungkol sa relasyon niya?” Muling umiling si Cess. “Kaibigan ko lang at kasamahan dito sa trabaho si Marcelo. Hindi kami nag-uusap ng tungkol sa personal na mga bagay. Alam ko na may girlfriend siya, nakita ko na siya noon.” “Ano ang masasabi mo sa girlfriend niya?” singit na tanong ni Lizette. Napaisip si Cess. “She... just seems immature. Hindi ko alam. Pero madalas ay marami siyang hinihingi kay Marcelo. Narinig ko rin ang mga demand niya noon.” Tumango-tango ang babae. “Right. Nakukuwento rin ni Marcelo na mahilig ngang mag-demand ang girlfriend niya. Pero hindi naman daw iyon problema dahil kaya niyang ibigay. Mahal na mahal ni Marcelo ang girlfriend niya.” “Do you think the feeling is mutual? Hindi ba pineperahan lang ng girlfriend niya si Marcelo?” Mabilis na umiling ang babae. “No. Nakita ko na mahal din ng girlfriend niya si Marcelo. Matagal na rin silang magkarelasyon. Ang alam ko ay... plano na ring mag-propose ni Marcelo ng kasal.” Napahikbi na si Cess. “How could he leave just like that?” May ilan pa silang katanungan sa babae, maging sa vice principal bago nagpaalam. Sandaling silang naglakad-lakad sa loob ng eskuwelahan. Napakaraming mga estudyante sa labas dahil break time na. Sinamahan sila ng vice principal sa classroom ng Grade 12 Section 1. Pinagmasdan lang naman nina Lizette ang classroom. May ilang estudyante doon. Sa isang sulok ng kuwarto ay may maliit na table. Nakapatong sa table na iyon ang isang picture frame na may picture ni Marcelo Duenas. Sa paligid ay may mga nakapatong na bulaklak. Tahimik ang buong classroom. Halatang malungkot din ang mga estudyante. Dalawa ang pinto ng classroom na iyon, sa bungad at sa dulo. Napatingin si Lizette sa dulong pinto at nakita ang isang dalagita na nakasilip sa kanila. Mabilis namang pumasok sa loob ang dalagita nang masalubong ang kanyang paningin. “I think we should go see his girlfriend,” sabi ni Seth. Humarap na ito sa vice principal. “Salamat sa pagtulong sa amin. Babalik na lang kami kung may mga susunod pa kaming katanungan.” “Walang anuman,” sagot ng vice principal. “Gagawin namin ang lahat para makatulong sa kaso. Sana mahanap niyo ang kung sinomang gumawa nito kay Sir Duenas.” Nagpaalam na sila dito. Pagkarating nila sa kotse ay agad na rin iyong pinaandar ni Seth. Hindi naman kalayuan sa school na iyon ang bahay ng girlfriend ni Marcelo Duenas. Napatitig si Lizette sa bintana ng kotse. Hindi maalis sa isipan niya ang dalagitang nakasilip sa kanila kanina. Why did it felt like that girl wanted to tell her something? Ipinilig niya ang ulo. Base sa mga nalaman nila sa staffs ng school, isang mabuting guro si Marcelo Duenas. The man was painted too lovely it was unsettling. Hindi siya naniniwala na may napakabuting tao sa mundo. Lahat ng tao ay may itinatagong kadiliman. Bakit ito pinatay? Ano ang rason? Ipinarada ni Seth ang kotse sa gilid ng kalsada. Lumabas sila at naglakad patungo sa apartment na tinutuluyan ni Loisa Alday—ang girlfriend ni Marcelo Duenas. Ilang minuto silang kumakatok sa pinto pero walang sumasagot doon. “Ms. Alday,” tawag na ni Seth. “We’re from SCIU. Puwede ka ba naming makausap sandali?” Wala pa ring sagot. Nagkatinginan sila ni Seth. Kakatok pa sana uli ang lalaki nang may marinig silang nagsalita. “Walang tao diyan.” Napatingin sila sa katabing apartment at nakita ang isang ginang na siguro ay nasa mid-forties na nito. “Ilang araw na,” pagpapatuloy nito. “May mga pulis na ring nagpunta diyan noong isang araw.” “Kilala niyo po ba ang nakatira dito?” tanong niya. “Si Loisa, oo,” sagot ng ginang. “Pero bihira ko lang nakakausap ang batang iyon. Palagi siyang wala sa bahay at gabi ko lang nakikitang umuwi.” “Kailan niyo siya huling nakita?” Napaisip ang ginang. “Noong Martes ng gabi `ata.” Tuesday night. That was when Marcelo Duenas was killed. Nagpasalamat sila sa ginang at minabuting umalis na. Pagkapasok sa loob ng kotse ay nahulog sa malalim na pag-iisip si Lizette. “You think she’s the killer?” tanong ni Seth. “Hindi pa tayo sigurado. Pero nakakapagduda na biglang nawala si Alday pagkatapos namatay ng boyfriend niya. Why did she leave? That makes her suspicious.” Tumingin siya sa lalaki. “Bumalik na tayo sa headquarters. Magre-request ako ng police surveillance para sa lugar na ito. Para kung bumalik si Alday ay madala kaagad sa atin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD