Senior Inspector Lizette Salcedo’s POV
“MARCELO Duenas,” panimula ni Kevin sa report nito. Nakaupo silang lahat palibot sa rectangular mahogany table sa kanilang opisina, nakatingin sa malaking flat screen na may katapat na projector. Nandoon ngayon ang picture ng biktimang si Marcelo Duenas. “Thirty-four years old. High school teacher sa Bonifacio Private School. Wala na siyang pamilya. Nakatira siya sa Ermita, Manila.” Kasunod na nag-flash sa projector ang pictures ng crime scene. “He was found murdered in his house this Tuesday. Ang kanyang katulong na si Arleen Estrope ang nakakita sa bangkay niya at agad na nag-report sa mga pulis.
“According to the autopsy report ng biktima, Duenas died of the stab wound straight to his heart,” pagpapatuloy ni Kevin. “May malaking s***h mark din siya sa katawan, mula sa kanang balikat, pababa sa kaliwang abdomen. No witnesses. No murder weapon found in the crime scene. Wala ring ibang ebidensiya na nakita ang mga pulis.”
“Hindi magagawa ng simpleng hunting knife ang cut na `yan,” puna ni Seth.
“Of course it won’t,” ani Joshua, nakatingin na ito sa folder na hawak. “Nakalagay sa autopsy report na tumagos ang saksak sa likuran ng biktima. The killer didn’t use that hunting knife for the murder. It’s just there for signature.”
“A sharp-bladed object was used as murder weapon,” sabi ni Kevin. “A sword. A katana, to be exact. I’ve seen those kinds of wounds.”
Katana. A samurai sword. Sa mga movies lang madalas nakikita ni Lizette na ginagamit ang katana para makapatay.
“Ganyan din ang sugat ng dalawa pang biktima na linked sa kasong ito,” dugtong ni Kevin. Sunod na nag-flash mula sa projector ang pictures ng dalawa pang biktima—nauna ang mga ito kaysa kay Marcelo Duenas. “Terre Limcao, thirty-six years old. Nakatira siya sa Pasay City. Wala na rin siyang buhay na kapamilya o kamag-anak na naka-register. She was killed more than a year ago in her home. She has a cut on her lower abdomen and a stab right in the heart. Michael Cortes, fourty-four years old, a politician. His residence was in Caloocan. He had a wife—Isabel Cortes, isang businesswoman. And a son—Jason Cortes, university professor sa UP, Diliman. His throat was slashed. A stab wound in the heart, too.”
“The stab in the heart was the cause of death,” ani Lizette. Direkta sa puso. Sinigurado ng killer na patay talaga ang mga biktima nito.
“Pare-parehong sharp-bladed object ang nakalagay na posibleng murder weapon,” sabi ni Monica. “Lahat din sila ay may nakatarak na hunting knife sa mga kamay.”
“Pupunta ako sa bahay ni Marcelo Duenas para suyurin uli ang crime scene,” sabi ni Kevin makalipas ang ilang sandali. “I’ll bring Monica with me. I need forensics there. Kakausapin na rin namin ang katulong na nakakita sa bangkay.” Tumingin ito sa kanya. “Nakalagay sa information ni Duenas na may girlfriend siya. Lizette, kayong dalawa ni Seth ang kumausap sa girlfriend niya. Ganoon din sa staffs ng school na pinagtatrabahuhan ng biktima.”
“Copy that,” sagot niya.
“Joshua, I need you to profile the criminal,” dagdag ni Kevin.
“Kailangan ko ng mga impormasyon sa lahat ng biktima. I need their backgrounds,” ani Joshua.
Tumango-tango si Kevin. “Bukas pa ang balik ni Richard.” Hinaplos-haplos nito ang baba. “Kailangan ding may mag-check ng mga CCTV footages na nakuha sa bahay ni Duenas. I’ll ask Edgar for help. He knows these things dahil nag-aral siya ng computer programming. I’ll give him a call.” Nag-excuse ito at sandaling lumayo sa kanila.
Ibinaba ni Lizette ang tingin sa folder na kaharap. Nakasulat doon ang impormasyon tungkol kay Marcelo Duenas. Loisa Alday. Iyon ang pangalan ng girlfriend nito. Nakalagay doon ang address ng babae—sa Ermita, Manila lang din.
“Malapit na raw si Edgar.” Napatingin sila kay Kevin nang bumalik ito. “Let’s start working. Report immediately kapag may importanteng lead kayong nakuha.” Bumaling ito kay Joshua. “Sasabihin ko kay Edgar na pumunta kaagad dito.”
Tumayo na sila at lumabas ng opisina. Nasa entrance na sila ng headquarters nang biglang may pumarada na kotse sa tapat nila—isang dark blue Ford Shelby GR-1 Concept. The driver’s side butterfly door glide upward. Lumabas mula doon si Edgar Isaac na nakangisi pa.
“Nakahabol ba ako?” tanong nito, lumapit sa kanila.
Napailing si Lizette. Ilang beses na rin nilang nakasama ang kaibigan na ito ni Kevin. Edgar Isaac was a rich, spoiled manchild. Pero mabait naman ito at palakaibigan. He was happy-go-lucky and playful. “Park your car properly, Edgar,” sabi niya. “Hindi puwedeng mag-park sa tapat ng HQ.”
Sumaludo sa kanya si Edgar pero hindi nawawala ang ngisi. “Yes, Ma’am,” anito. Lumapit ito kay Kevin, inakbayan sa balikat. “Kailangan mo ako?”
Itinulak ni Kevin palayo si Edgar. “Nagmamadali kami. Pumunta ka sa office namin, nandoon si Joshua. Sasabihin niya na lang sa `yo ang gagawin mo. Our tech support is still in vacation. Help me on this, okay? Babawi na lang ako.”
“Alright. Makakaasa kayo.” Tumalikod na ang lalaki at lumakad papasok sa HQ.
“Your car, Edgar!” pahabol na sigaw ni Lizette.
Binigyan lang siya ni Edgar ng ‘okay’ sign pero ni hindi lumingon o tumigil. Napabuga na lang siya ng hininga nang makapasok ito sa headquarters. That man was also a troublemaker. Tama nga si Kevin noon. Pasaway din ito at madalas ay ang gusto lang ang ginagawa.
Tinapik ni Kevin ang balikat niya. “Hayaan mo na siya. Siguradong ipag-uutos niya `yan sa iba.”
“Spoiled bastard,” usal na lang ni Lizette at nagpatuloy na sa paglalakad. Ang kotse niya na—a Ford—ang ginamit nila ni Seth. Si Seth na ang umakong mag-drive. “Mabuti na lang hindi ka troublemaker, Seth. Sana lang may magawang ayos sina Joshua at Edgar ng magkasama.” Two troublemakers in one place was too much.
Tumawa si Seth. “Mababait naman sila. At mukhang seryoso din pagdating sa trabaho.”
“Ang haba rin ng pasensiya mo, ano?” humahangang komento niya. Pareho lang ito at si Kevin. Dahil na rin siguro sa parehong matagal itong nagtrabaho sa militar. Kevin was in the Army, Seth in the Air Force. “Kahit madalas kang binu-bully ni Joshua, pinagtatanggol mo pa rin siya.”
“Mabuting tao naman si Joshua. He cares for everyone too. Hindi niya lang naipapakita nang maayos.”
Lumabi si Lizette at nagmasid na lang sa bintana ng kotse. Hindi niya alam kung sasang-ayunan ba iyon. Joshua kept on irritating her every single day. Hindi niya alam kung magugustuhan ba ito.
“So you were a varsity player,” wika ni Lizette para basagin ang katahimikan. “Nagba-basketball ba kayo nina Kevin?”
“Hindi.” Mahinang tumawa si Seth. “Nakalimutan ko na rin `yon. Matagal na akong hindi nakakapaglaro ng basketball.”
“Sayang naman.” Tiningnan niya ang binata. Seth was a cheerful person. He was kind and thoughtful. He looked innocent, too. Pero hindi niya pa rin gaanong kilala ang lalaki. Minsan lang kasi silang nagkakasama katulad ngayon. Gusto ni Lizette na mas makilala pa ito. “Kumusta nga pala ang tito mo?” Tinutukoy niya si Marco Pulo. Nakilala niya si Marco Pulo noong Chairman pa ito ng SCIU. He was a fine man who worked for NBI.
“Maayos naman simula nang umalis siya ng serbisyo.” Sumulyap sa kanya si Seth, ngumiti. “May sarili na siyang business. Mukhang nag-e-enjoy naman doon si Tito. Mas marami na rin siyang time sa pamilya niya.”
“Good to hear that. Kailan ka kinupkop ng tito mo?”
Sandaling napaisip si Seth. “I think I just graduated in high school when he told me to stay with him. Noon din kasi namatay si Mama.” Biglang bumahid ang kalungkutan sa mukha nito.
“Oh, I’m sorry,” bulong niya. “How about your father?”
“He died earlier than my mom.” Sumeryoso na ang mukha ni Seth. “Sa isang aksidente. He was in a vacation that time with his... mistress.”
Hindi na alam ni Lizette kung ano ang sasabihin. She didn’t know Seth’s family was not a good one.
“Hindi ko na rin siya gaanong maalala, si Papa,” pagpapatuloy nito. “Bata pa ako no’ng namatay siya. All I can remember was the times he and my mom fought. Dahil nga sa mga babae niya. My father cheated on my mother multiple times. Sinasaktan niya rin si mama minsan sa pagtatalo nila. Pero pinapatawad pa rin siya ni mama.”
“Hindi ka ba niya sinasaktan?”
Umiling si Seth. “Hindi naman. He was a womanizer. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ako tutulad sa kanya. I will stick to one woman when we’re in a relationship. I will love and protect that woman with everything I have. Hinding-hindi ko siya hahayaang matulad kay Mama na pinagtaksilan at iniwan.”
Napangiti na si Lizette. Nakikita niya ang sinseridad sa mukha nito. “Kylene is very lucky.”
Tumawa nang mahina si Seth.
“Hindi mo pa ba siya nililigawan?” tanong niya.
“Gusto ko sana pero...” Tumikhim ito. “Hindi ko alam kung paano... paano sasabihin. You know, she’s a famous actress. At ako, isa lang akong ordinaryong lalaki.”
“What’s wrong with that? Kung gusto niyo ang isa’t isa, hindi magiging hadlang ang kung anumang estado niyo sa buhay. Huwag ka nang magpaka-torpe. Lahat kami ay nakikita na gusto ka rin ni Kylene. Hindi naman siya mag-aaksaya ng oras sa `yo kung hindi. Katulad ng sinabi mo, she’s a famous actress.”
Ngumiti naman na si Seth. “Susubukan ko,” anito. “Ikaw ba? Wala kang boyfriend ngayon?” pag-iiba nito sa usapan.
Umiling siya. “Wala.”
“Wala kang nagugustuhan? Sa headquarters o sa team natin?”
Napaisip si Lizette. “Wala rin. Though, I like Kevin as a person. I have high respect on him.”
“You two will be a great team kung sakaling magkakatuluyan kayo,” panunukso pa ni Seth.
Napatawa na lang si Lizette. She couldn’t see that happening. Lalo na ngayon na sigurado siyang gusto ni Monica si Kevin. Mahalaga na sa kanya si Monica. Buong buhay nito ay mag-isa ito. Hindi nito alam ang mga iba’t ibang emosyon ng isang normal na taong nabuhay na mayroong pamilya. Alam ni Lizette na bago lang para kay Monica ang paghangang nararamdaman nito para kay Kevin. At hindi niya gustong sirain iyon. Hindi niya gustong alisin iyon sa kaibigan. She wanted Monica to fall in love and be happy. And to experience all kinds of emotions with people who were around her now.