Episode 4

3086 Words
Senior Inspector Lizette Salcedo's POV NASA loob ng conference room ng SCIU sina Lizette nang mga oras na iyon para makinig sa bagong mga kasong hahawakan ng ahensya. Hahati-hatiin ang mga kasong iyon sa iba’t ibang teams na present doon. “Ang babaeng nawala sa trail ng Mount Arayat noong nakaraang linggo ay nakitang patay sa isang abandonadong lote sa Pampanga,” report ng isa sa mga SCIU agents na nagpe-present ng mga kaso. “She was beaten up to death. Pangalawang kaso na ito ng missing women na nakitang patay at bugbog-sarado matapos nilang mawala sa isang mountain trail. May dalawang missing women hikers din ang hindi pa nahahanap hanggang ngayon.” “Wala pa ring may hawak sa kaso?” tanong ni Chief Babor na unahan. “Nag-request po si Lieutenant Eugenio na ibigay sa kanila ang kasong ito,” sagot ng agent. “The Cold Case Team?” ani Chief, tiningnan ang kinaroroonan ng isang table. Tumango-tango na lang ito. Nakatingin lang si Lizette sa harapan kung saan ipinapakita mula sa malaking flat screen na may katapat na projector ang pictures ng crime scene, maging ang bangkay ng tinutukoy na babae. Missing women. Murdered women. Nitong nakaraang mga buwan, parang dumarami ang ganoong mga kaso. Many women were being targeted around the country. Tiningnan niya ang mga kasamahan sa team na nakatingin din sa harapan. Alam niya na gusto rin ng mga itong hawakan ang ganoong kaso. But if someone wanted to take one case, they should let them. Hindi nila alam kung may leads na ang mga ito. Sunod na lumabas sa flat screen ay ang picture ng bangkay ng isang lalaking nakahandusay sa sahig, naliligo sa sariling dugo. “The victim is Marcelo Duenas,” pagre-report ng agent. “Thirty-four years old. Isa siyang high school teacher sa Bonifacio Private School sa Ermita, Manila. Natagpuan siyang patay sa loob ng kanyang bahay kahapon. There were cuts on his body.” Nakatitig lang si Lizette sa pictures ng crime scene na nagpa-flash mula sa projector. May malaking hiwa sa katawan ng lalaki. Nakamulat pa ang mga mata nito. “Bakit `yan napunta sa SCIU?” narinig niyang tanong ni Chief Babor. “We have another case like that,” sagot ni Lizette, hindi na napigilan ang sarili. Lahat ng mga tao doon ay napatingin sa kanya. “I think that’s a serial killing case. May nabasa akong case files na katulad niyan.” Sigurado siya doon. Dahil sa nakatarak na hunting knife sa isang kamay ng bangkay. “She’s right, Chief,” sabi ng agent na nagre-report. “May records ang SCIU na katulad ng kasong ito.” Tumingin ito sa flat screen kung saan ipinapakita na ang closer shot ng kamay ng biktima na may nakatarak na hunting knife. “Because of this.” Tumango-tango si Chief Babor. “A signature.” Ibinalik nito ang tingin sa table nila. “Gusto niyo bang hawakan ang kaso?” Napatingin si Lizette kay Kevin. Ito ang makakapag-desisyon niyon. Sumulyap sa kanya si Kevin bago tumango. “Kung nasa team na namin ang linked cases diyan, we’ll take it.” Muling tumango ang chief inutusan ang agent na magpatuloy. They listened to the rest of the reports until they got dismissed. “A serial killing case, huh?” narinig niyang sabi ni Joshua habang naglalakad sila pabalik sa kanilang opisina. “Things would get interesting.” Ngumisi pa ito. “And dangerous,” dagdag ni Seth, may pag-aalala na sa mukha nito. “Narinig ko na halos lahat ng serial killing cases na hinawakan ng SCIU ay mapanganib.” “Every cases are dangerous,” ani Kevin, tinapik-tapik nito sa balikat si Seth. “Mas kailangan lang nating mag-ingat ngayon.” Pagkapasok nila sa opisina ay lumapit sa kanya si Monica. “Is it really a serial killing?” Tumango si Lizette. Hinanap niya sa desk ang case files na tinutukoy. Her things were organized kaya agad niyang nakita iyon. “Here. May dalawang kaso na katulad ng pagkakapatay sa bagong biktima na `yon.” Tiningnan niya si Monica. “Marcelo Duenas is the third victim. That makes it a serial killing.” Inabot ni Kevin ang case file, binasa iyon. Inilabas nito ang dalawang pictures at inilapag sa desk niya—pictures ng mga kamay ng dalawang biktima na parehong may nakatarak na hunting knife. “Walang duda na iisa ang gumawa. The knives were the same. It’s an Army hunting knife.” “Hindi ba puwedeng ma-trace ang pinagbilhan ng mga `yan?” curious na tanong ni Monica. “No,” sagot ni Kevin. “Sa panahon ngayon, madali nang makakuha ng ganyan sa black market.” Kevin was right. Because of the illegal black market, anything could be possible now. Isa ang black market sa pinakamalaking kalaban nilang mga pulis. And now, with the help of Internet, dealing with people from the black market would be easier. Bumuntong-hininga si Kevin. “I’ll review these cases. Pagkatapos ay bibigyan ko kayo ng kanya-kanyang assignments. We’ll focus on this case pero hindi pa rin natin kakalimutan ang kaso ni Nine. Report to me all the leads and information you’ll find.” “Copy that,” sabay-sabay na sagot nila. Napatingin sila sa pinto ng opisina nang makarinig ng pagkatok. Nakita nila si Jasmine Evangelista—ang SCIU agent na nagma-manage ng Archive Sections ng headquarters. Ito rin ang ipinapadala ni Chief Babor kung sakaling may ipapasabi sa mga teams dito. Lumapit sa kanila ang babae, inabot kay Kevin ang isang folder na hawak. “Police report ng kaso ni Marcelo Duenas. Ipapadala rin dito mamaya ang mga evidences na nakuha. Nasa autopsy pa rin ang katawan niya, kayo na lang ang bahalang mag-follow-up ng report.” “Sino ang gumawa ng initial investigation?” tanong ni Kevin. “Police department sa Ermita,” sagot ni Jasmine. Nagpasalamat si Kevin dito bago pumunta sa sariling desk. Lalakad na rin sana si Lizette patungo sa likuran ng kanyang desk nang marinig ang muling pagsasalita ni Jasmine, hindi na para sa kanila kundi kay Joshua. “May gagawin ka ba ngayong gabi, Joshua?” tanong ng babae kay Joshua na nakatayo lang. Napansin pa ni Lizette ang pagsuklay-suklay ni Jasmine sa buhok nito. She shook her head and sat down on her chair. Umabot siya ng isang folder, hindi na pinag-ukulan ng pansin ang mga ito. “Yes, may rank game akong sasalihan sa Mobile Legends,” sagot ni Joshua. Napatingin na si Lizette sa mga ito. Nakita niya pa ang pagkainis na bumahid sa mukha ni Jasmine. Tumalikod na lang ito at hindi na nagsalita. Sinundan niya ng tingin ang babae hanggang sa makalabas ito ng opisina nila. Inilipat niya ang tingin kay Joshua na pumunta na sa desk nito, pasalampak na naupo sa upuan, itinaas pa ang mga paa sa mesa. “That’s harsh, pare,” wika ni Seth. “Akala ko ba type mo si Jasmine? Nagpupunta ka sa Archive Section dahil sa kanya, `di ba?” “Noon, hindi na ngayon,” naghihikab na sagot ni Joshua. “She’s too clingy. Palagi nang nag-aaya na lumabas.” Napailing na lang si Lizette. Nakakaawa ang mga babaeng pinaglalaruan lang nitong si Joshua Sann. Hindi na siya magtataka kung balang-araw ay may maghiganti dito. That man was a magnet for revenge. Dahil na rin sa dami ng mga ginagalit nito. “Kailan babalik si Richard?” narinig niyang tanong ni Monica mayamaya, katabi niya lang ang desk nito. “Next week siguro,” sagot niya. “Nasa Maldives sila ng pamilya niya. He deserves that vacation leave. Ilang taon din pala siya hindi nagkaroon ng leave dito.” “Siguro dahil papalit-palit nga siya ng team.” “Nakuwento niya ba sa `yo ang nangyari sa naunang teams niya?” Tumango si Monica. “All of them left the agency. Naging mahirap din siguro para kay Richard na makisama ng paulit-ulit sa iba-ibang mga tao.” Ngumiti na lang si Lizette. Siguro nga. Kaya nakakahanga rin si Richard dahil doon. Bigla ay namiss niya ang kasamahan. Richard was easy to be with. Masayahin ito at palakuwento. Madali lang din nila itong nakapalagayan ng loob. Napatigil sila sa pag-uusap nang makarinig uli ng katok sa pinto. Bumukas iyon at pumasok ang isang lalaki at isang babae. May kasunod ang mga itong isa pang babae. Hindi kilala ni Lizette ang mga ito pero nakikita niya ang lalaki dito sa headquarters. Nang tumayo si Kevin para harapin ang mga bagong dating, tumayo rin siya. May SCIU Id badge ang lalaki at babaeng nasa unahan. Pero ang babaeng kasunod ng mga ito ay wala. A visitor, maybe. “Lieutenant,” bati ni Kevin sa lalaki, nakipagkamay dito. “May kailangan ba kayo?” Kumunot ang noo ni Lizette. Magkakilala ang mga ito? Well, hindi naman kataka-taka dahil nagtatrabaho rin dito ang mga ito. And Kevin knew a lot of people. “Bumisita lang,” nakangiting sagot ng lalaki. “May ilang tanong din sa team ninyo.” Iginala nito ang paningin sa paligid. “Shoot,” ani Kevin. Tumingin ito sa kanya. “This is Lieutenant Mark Angelo Eugenio. Ang kasama niyang ito ay si SPO4 Irishane Villasan. They’re from the Cold Case Team.” Bumaling ito kina Lieutenant Eugenio. “They are my team members.” Ipinakilala silang lahat ni Kevin sa mga ito. Ngumiti si Lieutenant Eugenio, nakipagkamay sa kanya. His grip was strong. The man was well-built. He was also good-looking. His eyes were small. His brows thick. May facial hair din ito sa ibabang parte ng mukha, making him look rogue. Nakasuot ito ng simpleng maong polo shirt, black pants and black shoes. Ang babaeng katabi naman nito na si SPO4 Irishane Villasan ay nakasuot ng puting blouse, maong pants at white sneakers. Mas maliit ito sa kanya ng kaunti sa height niyang 5’6”. Mahaba ang itim na itim na buhok nito. Her face was small. Her eyes pure black and innocent looking. Morena ito at mukhang palangiti din. “Oh.” Tinabihan ni Lieutenant Eugenio ang babaeng nasa likuran nito. “Ito nga pala si Rubielyn Pablo. She’s a prosecutor. Bisita ko.” Hinaplos pa nito ang braso ng babae. Ngumiti sa kanila ang babaeng tinawag na Rubielyn. Maganda ito. Matangkad. Dark-brown ang mahabang buhok. Nakasuot ito ng black long-sleeved blouse, black pants and black ladies shoes. She looked sophisticated and confident. Well, the woman was a prosecutor. “Ano’ng kailangang Cold Case Team sa amin?” narinig nilang tanong ni Joshua mula sa kinauupuan nito. Tiningnan ni Lieutenant Eugenio ang kinauupuan ni Joshua. “Inspector Sann,” bati nito. “I’ve heard a lot about you here.” “Yeah, I’m that famous,” pagyayabang pa ni Joshua. “The hotheaded profiler,” singit naman ni SPO4 Villasan. Ngumisi lang si Joshua at kinindatan ang babae. Umiling-iling naman ang huli. Ibinalik ni Lieutenant Eugenio ang atensiyon sa kanila. “Nakausap namin kanina si Jasmine from the Archive’s. May hinahanap kaming isang cold case file sa kanya at sinabi niyang nasa records na ibinigay iyon sa team ninyo. Gusto ko sanang humingi ng kopya, kung ayos lang.” “Cold case file?” ulit ni Kevin. “What is it about? Maraming case files ang ibinigay sa amin si Director Bactan pero baka mahanap namin.” “It’s about a murdered college woman,” ani Lieutenant. “Laguna Central University na pinasukan niya. That was eleven, twelve years ago, I think.” Napaisip si Lizette, ganoon din si Kevin. Wala siyang nabasang ganoon. “Alam ko `yon,” narinig nilang singit ni Monica. Napatingin sila dito. May hinanap ang dalaga sa patas ng case folders na nasa desk nito. Ilang sandali lang ay tumayo na ito at lumapit sa kanila, dala ang isang folder. “Murder of Cassandra Salvacion.” “Iyan nga,” sabi ni SPO4 Villasan. Inabot nito ang folder, nagpasalamat. Binuksan iyon ng babae at ipinakita sa mga kasama. “Puwede ba kaming humingi ng kopya?” tanong ni Lieutenant Eugenio. Tumango naman si Kevin. “Ire-report ko na lang kay Chief.” Nagpasalamat ang Lieutenant dito. Si Monica naman ay inako na ang mag-photocopy ng case file na iyon. They had their own photocopier in their office. “What’s with that case?” tanong ni Kevin habang naghihintay. “Hawak namin ang kaso ng mga pinatay na babaeng nawala sa mountain trails, right?” ani Lieutenant. “Women beaten to death. Raped, too.” Napailing si Lizette. “Naisip namin na baka konektado ang kasong ito,” pagpapatuloy ng lalaki. “Nabanggit ko kay Rubielyn ang kasong hawak namin at nasabi niya ang tungkol sa cold case na ito.” “I’m from that university, too,” sabi naman ni Rubielyn. “Sa Laguna Central University pinatay ang biktimang si Cassandra Salvacion roughly twelve years ago. She was raped and beaten to death. Nag-aaral ako university na `yon that time. It’s a really hot topic back then. Pero hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli ang kriminal na pumatay sa kanya. May mga leads na nagpapahiwatig na na-gang rape siya, like the different types of semen na nakita sa katawan niya. Pero wala naman ni isang suspect na na-convict dahil damaged na ang DNA ng mga iyon.” “I know that,” narinig nilang singit ni Seth. Binanggit nito ang pangalan ng university. “Diyan din ako nag-college.” Tumingin si Rubielyn kay Seth, kumunot ang noo. “I think I remember you. Pulo, right?” Tumango si Seth. “Pasensiya na, hindi kita maalala.” “It’s alright.” Ngumiti si Rubielyn. “Naalala lang kita dahil kasama ka sa varsity noon ng basketball. Athletes were famous in university campuses.” Napatingin sila kay Seth. Hindi nila alam na basketball player pala ito. Napakamot na lang sa ulo ang lalaki. “Paano kayo nakakasigurado na konektado nga ito?” tanong naman ni Joshua. “We’ll investigate about that,” sagot ni Lieutenant Eugenio. Tinapik-tapik nito ang balikat ni Rubielyn. “Rubielyn here is an expert in these crimes. She prosecuted lots of rapists and murderers. Mas pinagkakatiwalaan ko ang gut instinct nitong si Rubielyn kaysa sa akin.” Tumawa pa ang lalaki. Napangiti naman si Rubielyn. Hindi napalampas ni Lizette ang sandaling pagtititigan ng dalawa. May relasyon ba ang mga ito? Lieutenant Eugenio was a little bit touchy with Rubielyn too. “Marami ring hawak na kaso ngayon si Rubielyn,” sabi naman ni SPO4 Villasan. Nakikita sa mukha nito na hinahangaan din ang prosecutor. “She’s trying to give justice to lots of women.” “It’s my duty,” sabi ni Rubielyn. Tumingin ito sa kanya. “I’ve seen one of your speeches sa isang women rehabilitation center, Senior Inspector. Isa kang inspirasyon sa mga babae.” Napangiti si Lizette. “Salamat. Sana makapanood ako ng isa sa mga trials mo minsan.” Masaya siyang makakilala ng mga taong katulad niya na tumutulong sa mga babaeng naabuso. “Kaanu-ano mo si Director Rommel Pablo?” singit na tanong ni Joshua. Tinutukoy nito ang bagong luklok na NBI Director. “He’s my father,” nakangiting sagot ni Rubielyn. Lahat sila ay nagulat. Galing pala ito sa maimpluwensiyang pamilya. “Oh.” Tumango-tango na lang si Joshua. Lumapit na sa kanila si Monica at ibinigay ang copy ng case file na kailangan ng mga bisita nila. “Well, hindi na namin kayo gustong abalahin pa,” sabi ni Lieutenant Eugenio. “Sana balang-araw magkasama tayo sa pagresolba ng isang kaso. Kung sakaling kailanganin namin ng tulong, lalapit kami sa inyo. Narinig namin na cream of the crop ang nasa team na ito.” “That’s an overstatement,” ani Kevin. “Ginagawa lang namin ang lahat ng makakaya namin para maresolba ang isang kaso. Lahat naman tayo dito ay ganoon ang ginagawa.” Tumawa si Lieutenant Eugenio. “Still the humble man, Major.” Nakipagkamay ito kay Kevin at nagpaalam na. Ganoon din ang mga kasama nito. “Sana magkausap uli tayo, Senior Inspector,” sabi sa kanya ni Rubielyn, nakipagkamay. “Just call me ‘Lizette’,” aniya. “Sana nga.” Ngumiti ang babae at lumabas na ng opisina nila. “Kasamahan mo rin siya sa Army?” tanong ni Lizette kay Kevin. “Hindi. Sa Marines nagtrabaho si Angelo bago siya kinuha ng SCIU. Mas nauna siya sa akin dito. Siya ang team leader ng team nila. They handle cold cases.” “Hindi ba nag-handle ka rin ng cold cases noon sa LAPD, Lizette?” tanong sa kanya ni Monica. “Yeah.” Tumango-tango siya, naalala ang police days niya sa States. “It was hard... digging up the past. Sa isang cold case, ang mahirap na hanapin ay mga ebidensiya at witnesses. Lalo na kapag sobrang tagal na ng kaso. But it was also rewarding when you solved a case that was forgotten by a lot of people.” “Bakit nagkakaroon ng cold cases?” curious na tanong ni Monica. “Dahil wala nang leads na lumabas para maiusad ang imbestigasyon,” sagot niya. “Hanggang sa isuko na `yon ng mga investigators na humawak sa kaso. Makalimutan. Matabunan ng ibang mga kaso.” “Hindi naman natin masisisi ang ibang mga pulis lalo na kung ginawa nila ang lahat,” ani Kevin. “Sometimes there are cases that cannot be solved easily.” Bumuntong-hininga si Lizette. “Pero sana maresolba nina Lieutenant Eugenio ang kasong hawak nila, maging ang cold case ni Cassandra Salvacion. Maganda pa rin na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay niya at lumabas ang katotohanan.” “Can I get a copy of that case?” narinig nilang tanong ni Joshua. “Okay,” sagot ni Monica. “I’ll make a copy.” “Ako rin,” singit ni Seth. “Sa university na pinasukan ko nangyari ang krimen na `yan. I want to, at least, help find justice for her. Para na rin sa aking Alma Mater.” “Isama mo na rin ako,” sabi ni Lizette. She wanted to read that case too. Baka sakaling may mahanap silang butas at makatulong sa Cold Case Team.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD