Episode 3

855 Words
Killer’s POV PINUNASAN muna ng killer ang hawak na katana bago iyon ipinasok sa sheath nito. Inabot niya ang itim na guitar case na nakasabit sa dingding at ipinasok sa loob niyon ang katana. Sunod niyang ipinasok ang puting full-face mask na tanging mga mata lang ang may butas. Sa kanang ilalim na mata ng maskara ay may drawing na tulo ng luha gamit ang itim na pintura. The killer zipped up the guitar case. Inabot niya sa coat rack ang kanyang itim na coat at isinuot iyon, ganoon din ang itim na gloves sa mga kamay. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kanyang bahay para mag-abang ng taxi sa labas. Pagkasakay ng taxi ay nagpahatid siya sa isang lugar sa Manila. Pinatigil niya ang taxi sa isang kanto at doon na bumaba. Pagkatapos ay naglakad pa siya palapit sa bahay ng papatayin niya ngayong gabi. Tiningnan ng killer ang relo. Pasado alas-onse na ng gabi. Ilang minuto pa siyang nagpalakad-lakad paikot sa bahay. May sementadong bakod iyon. Sa likuran ay may malaking puno ng acacia, labas sa bakod. Inayos niya ang pagkakasakbit ng guitar case sa kanang balikat bago mabilis na inakyat ang puno ng acacia para makaliban sa bakod. Madali lang iyon para sa kanya. The killer was trained in combat and all kinds of survival stuffs. Pagkalapag ng mga paa niya sa lupa ay agad siyang nagtatakbo palapit sa bahay. Binuksan ng killer ang guitar case, inilabas doon ang maskara at katana. Isinuot niya sa mukha ang maskara bago isinabit sa kanang gilid ng pantalon ang katana. Sandali niyang pinag-aralan ang paligid. Tahimik doon. Base sa mga nakuha niyang impormasyon, mag-isa lang sa bahay na iyon ang bibiktimahin—si Marcelo Duenas. Lumakad ang killer patungo sa backdoor, naglabas ng bobby pin at binuksan ang lock. Pumasok siya sa loob at maingat na naglakad-lakad sa loob ng bahay. Tumigil siya sa paghakbang nang makakita ng liwanag na nanggagaling sa kusina. Lumapit siya doon at nakita si Marcelo na nasa harap ng nakabukas na refrigerator, may hinahanap doon. Inayos ng killer ang suot na maskara bago nilapitan ang lalaki. Tumayo lang siya sa likuran nito. Hindi pa rin napapansin ni Marcelo ang presensiya niya. Pagkasara ni Marcelo ng refrigerator ay pumihit ito paharap sa kanya. Nagulat ang lalaki kaya nabitawan ang hawak na pitcher ng juice, nabasag iyon sa sahig. “Si-Sino ka?” nauutal na tanong nito, may bumahid ng takot sa mukha ng lalaki. “Pa-Paano... paano ka nakapasok sa bahay ko?” Inabot ng killer ang handle ng katana na nasa gilid niya at binunot iyon. Nanlaki ang mga mata ni Marcelo pagkakita doon. Humakbang ito paatras hanggang sa mapabangga ang likod sa kitchen counter. Marahan siyang lumapit dito. The tip of the katana was scratching the tiled floor. “Huwag... huwag kang lalapit!” takot na sigaw ng Marcelo. “Ano’ng... kailangan mo sa akin? Huwag kang lalapit!” Iginala ng lalaki ang paningin sa paligid hanggang sa mapadako ang tingin sa mga nakasabit na kutsilyo sa dingding. Abot lang iyon ng mga kamay nito. Nagmamadaling inabot ni Marcelo ang mga kutsilyo at pinagtatapon sa kanya. Mabilis namang kumilos ang kamay ng killer at iwinasiwas ang hawak na katana para madepensahan ang sarili sa mga lumilipad na kutsilyo. Madali lang para sa kanya ang tamaan ang mga kutsilyo na iyon. The killer was skilled in kenjutsu, kendo, and all kinds of sword fighting. Nadagdagan ang takot ni Marcelo nang makitang wala ni isa sa mga ibinatong kutsilyo nito ang dumaplis man lang sa kanya. “Huwag... huwag kang lalapit...” garalgal na sabi nito, hawak ang kahuli-hulihang kutsilyo doon. “Papatayin kita.” Nakatitig lang ang killer sa lalaki na nanginginig sa takot. Mayamaya ay sumugod ito palapit sa kanya para saksakin siya gamit ang kutsilyong hawak. Mabilis siyang nakahakbang patagilid para iwasan ang atake nito. Then the killer immediately caught Marcelo’s arm and twisted it. Napasigaw sa sakit ang lalaki at nabitawan ang kutsilyo. Ngumisi siya. Gusto niya kapag nanlalaban ang mga biktima. Itinapon ng killer sa ere ang hawak na katana, nagpaikot-ikot iyon. Pagkatapos ay sinipa niya ng malakas ang parteng tiyan ni Marcelo para mapaatras ito at mapasandal uli sa kitchen counter. The killer skillfully caught the katana mid-air. “Time to die,” usal niya. The killer stepped one foot forward, raising the sword over the head. And then the killer swung the sword down, cutting the victim from his right shoulder down to the left abdomen. Sumirit ang dugo galing dito. Mabilis na umatras ang killer pero bago pa bumagsak ang katawan ni Marcelo sa sahig ay agad niyang naitarak ang talim ng katana sa kaliwang dibdib nito. Lumabas ang katana sa likuran. Para itong tinuhog na laman sa isang stick. Hinugot ng killer ang katana sa katawan ni Marcelo at hinayaan nang bumagsak sa sahig ang walang buhay na katawan nito. Ibinalik niya ang katana sa sheath bago binunot ang hunting knife na nakasuksok sa likurang bulsa ng pantalon na suot. Itinarak niya iyon sa kamay ni Marcelo na nasa sahig. It was the killer’s signature.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD