"GIA, WE'RE here." "I know. Wait lang," sabi naman ni Gia na busy sa pagbabasa ng 'research' niya sa phone gamit ang Google. "Jeremy." "Yeah?" Nilingon niya ang lalaki na nasa driver's seat at nakatingin sa kanya na parang hinihintay ang sasabihin niya. "Alam ko na ang tawag sa relationship wherein nagki-kiss ang dalawang tao na wala namang romantic relationship." Binigyan niya ng thumbs-up si Jeremy. "You're quite the ladies' man, aren't you?" Namula ang mukha nito na parang hiyang-hiya. "That's adult stuff, Gia." "Adult naman ako," naka-pout na reklamo niya. "Kung idadagdag sa age ko 'yong ten years na dumaan, twenty-five na 'ko sa time na 'to." Bumuntong-hininga lang ito, pero ngumiti rin naman at ginulo ang kanyang buhok. "Okay. Bilisan na lang natin ang pagsha-shopping para maiu

