December 20, 2017 (7:11 PM) NAPANGITI si Gia dahil nagustuhan niya ang nakikita sa salamin pagkatapos siyang ayusan ng hairstylist at make-up artist na ipinatawag ni Jeremy kanina para ayusan siya. Nakaalis na ang dalawang babaeng nagpaganda sa kanya kaya ngayon, hindi na siya nahihiyang titigan nang matagal ang sarili sa harap ng full-length mirror. Suot na niya ang short-sleeved little black dress with white collar na binili nila sa mall kaninang hapon, at itinerno niya iyon sa white sneakers na isa sa mga biniling sapatos ni Wendy para sa kanya noon. Sinend niya kay Maj ang picture ng dress (gamit ang f*******: account ni Jeremy) at ito ang nagsabi sa kanya na bagay ang white sneakers sa damit dahil wala siyang formal shoes. Nakalugay ang kanyang buhok,pero may braid pa rin. Itinirin

