"YOUR PARENTS will kill me for sure. Alam kong binigyan nila tayo ng permission, pero ramdam kong hindi sila masaya. Baka iniisip na nilang bad influence ako sa 'yo." Nagi-guilty rin naman si Gia. She knew her parents felt so sorry for her that they couldn't say 'no' to her selfish 'birthday wishes,' like going to a bar with a male friend. Pumayag man ang kanyang mga magulang kanina, nakita pa rin ni Gia ang pag-aalala sa mga mata ng mga ito, pero hindi niya iyon pinansin. Alam niyang nagiging selfish at dyina-justify na lang niya iyon sa pamamagitan ng pagpapaalala sa sarili na ngayon niya lang mararanasan ang lahat ng iyon. I'm sorry, Mama, Papa, and Gio. Promise, babawi ako sa inyo. "Paano mo 'ko naipasok dito sa bar kahit minor ako?" pag-iiba na lang niya ng usapan. "My friend ow

