MASYADONG mabilis ang naging mga pangyayari para kay Gia. Pero kasalanan ko naman ang nangyari. Nakatingin kasi siya kay Vincent habang kumakanta kaya ang mga tao, napatingin din sa tinitingnan niya. Kaya hayun, nakilala ng karamihan sa mga guest ng bar ang singer kaya sinubukan ng ibang fans na lumapit sa lalaki. Mabuti na lang, may mga bouncer na humarang sa mga ito. Nagulat naman siya nang umakyat sa stage si Vincent pagkatapos niyang kumanta, saka nito hinawakan ang kanyang kamay at hinila siya pababa. Sinundan niya ang lalaki nang walang tanong-tanong habang igina-guide sila ng staff ng bar palabas sa 'secret exit' daw. Hayun sila ngayon, nakaupo sa open cargo space ng red pickup truck na ipinahiram ni Ace sa kanila dahil kilala raw ng ibang fans ang kotse ni Vincent. Ang kotse na

