Nagising ako isang umaga na parang nangangasim ang aking sikmura. Hindi na naman maganda ang aking pakiramdam. Pagbangon ko pa ng kama ay nahihilo ako. Pero. Agad akong napatakbo sa banyo dahil nasusuka ako. Nang mailabas ko lahat ng dapat kong isuka ay naghilamos ako. Halos habol hangos akong nakatingin sa salamin. Bigla akong kinabahan. Nakaramdam ako ng takot. Hinawakan ko ang aking puson. Magtatatlong buwan na din akong hindi dinaratnan. Irregular naman kasi ang aking period kaya parang sanay na ako. Pero may kakaiba akong pakiramdam dito. Umiling iling ako. Hindi ito maaari. Hindi maaari ang kutob ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Nagpunta agad ako sa Tahimik lang akong kumakain sa may gilid habang lihim pa rin akong nakamasid sa mag-asawa. Nararamdaman ko pa rin na parang p

