Chapter 5

2460 Words

Tumayo na ako at tinapunan ko sya ng unan. Hindi ko na kayang tapusin yung niluluto ko. "Wala! Aalis na ako. " Kinuha ko ang bag ko at palabas na ako ng pinto ng hatakin ako ni Rowell. Nnapatitig ako sa mga mata nya. Alam kong may nangingilid nang luha sa mga mata ko kaya mas lalo akong naiinis sa sitwasyong ito. "Ashley. Ano ba? Bakit ka nagkakaganyan? Nagseselos ka ba?" Tanong nya Napatitig pa  ako sa kanya. Ikinagulat ko ng husto ang mga paratang nya sa akin. Nagseselos nga ba ako? Pero bakit? Nagugustuhan ko ba si Rowell kaya ganito ang reaksyon ko. Ngunit pilit ko pa ring itinatanggi ang lahat. Pilit kong ikinukubli sa puso ko ang totoong nararamdaman ko. "Hindi! hindi noh! Ano ka ba? Wala lang to. Alis na ko. May gagawin pala ako ngayon." Inilihis ko na uang tingin ko sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD