Isang umaga kumatok sa aking kwarto si Patty. Hindi nya ginagawa dati ang pagkatok sa kwarto ko dahil bigla na lamang itong pumapasok. Pagbukas ko ng pinto. Kitang kita ko ang kaba sa mukha nya. "Oh anu nanyari sayo Patty? Para kang nakakita ng multo?" Biro ko sa kanya. "May.. may bisita ka sa baba." Sabi nito Napangiti ako ng marinig iyon. Alam kong si Rowell ito dahil wala naman ibang bibisita sa akin. Dali dali akong bumaba. Nasasabik akong makita sya. Bakit kaya nya ako dadalawin? Hindi pa naman kami magshoshoot ng video? Humahangos pa ako ng marating ang sala. Pero napatigil ako at nagulat sa naabutan ko roon. Parang tumigil ang mundo ko. Tinitigan kong mabuti ang lalaking nakatayo sa aking harapan. Hindi ko napansing may namuong luha sa mga mata ko. "Matteo?" Paos kong sabi.

