Biglang tumahimik sa loob ng condo ng marinig ang mga sinabi ng aking kapatid. Napanganga si Rowell sa tinuran ni Ara. Agad bumitaw si Rowell sa pagkakahawak sa kanya ng kapatid ko. Wala akong ibang naging reaksyon kundi ang tumayo lang sa aking kinatatayuan at pagmasdan ko lang mga susunod na mangyayari. Tinignan ni Rowell si Ara mula ulo hanggang paa. Para bang kinakalkula at iniexamina ang buong pagkatao nito. "Ano bang nangyayari sayo? Wag mo sabihing prank to?" Sabi ni Rowell Kitang kita ko ang galit sa mukha ng aking kapatid. Ang mga kilay nya ay magkasalubong na para bang sasabog na sya sa galit. "Mukha ba akong nagbibiro?" Umikot ang kapatid ko sa kinatatayuan ni Rowell "Sobrang sakit na yung binibigay mo sa akin. Panahon na siguro para ipaglaban ko ang alam kong akin." Matal

