“Sino ang nag-utos sa’yo?!” malakas na sigaw ng isang baritonong boses na umalingawngaw sa buong silid. “W-Wala—” Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya nang muli siyang hagupitin ng latigo. I walked into the room with Roland and Dad just as they continued torturing the man. Nagpupumilit sumama sa amin si Sid kahit mahina pa. May makapal pa ring benda ang bahaging tinamaan ng bala sa kanyang katawan. Pero matigas ang ulo niya. Gusto niyang malaman kung sino ang nagtangkang pumatay sa kanya. “You imbecile!” Dad growled furiously as he charged forward. “Paano mo nagawang tangkaing patayin ang anak ko? Paano mo nagawa ‘yon?!” Mabilis kong hinawakan ang braso ni Dad bago pa makalapit sa lalaki. “It’s fine, Dad,” sabi ko habang pinipigilan siya. “Tignan mo siya. Sapat na ang sakit na

