“Mom, I'm so scared. Paano kung may masamang nangyari? Sa tingin mo ba ayos lang sila? Ilang beses ko nang tinawagan si Drake pero hindi niya sinasagot! Sigurado ka bang okay lang sila?” Magkahalong inis at pag-aalala ang nararamdaman ko. Pabalik-balik akong naglalakad sa loob ng silid dahil wala pa rin silang dalawa at hindi rin nila sinasagot ang mga tawag namin. Si Mommy ay paulit-ulit ding tumatawag kay Tito Leandro pero gano'n din ang nangyayari. Hindi rin ito sumasagot, at lalo lang nadagdagan ang pag-aalala ko. “Kumalma ka, anak. I trust that everything is okay. Maniwala ka sa akin,” malumanay na sabi ni Mommy. Kanina pa siya tumigil sa pag-iyak matapos kong pakiusapan nang paulit-ulit. “Halika, umupo ka,” dagdag pa niya. Sinunod ko siya at umupo sa kanyang tabi. Marahang ako

