CIRCE Unang sumugod si Reva sa gawi ni Averyl at masasabi kong mas may advantage si Reva sa close combat dahil kailangan pa ni Averyl na lumayo nang konti bago siya makapagpakawala ng palaso. Kaya naman panay iwas lang si Averyl sa bawat atake ni Reva sa kaniya. Isang dagger pa lang din ang inilalabas ni Reva at iyon lang ang ipinang-aatake niya kay Averyl. Nang inihagis niya sa gawi ni Averyl ang dagger ay mabilis namang pumailanlan sa ere si Averyl para iwasan ‘yon at saka gumawa ng kaparehong backflip na ginawa ko. She ended up on Reva’s back ngunit saktong no’ng bibitawan niya na ang palasong dapat ay ititira niya sa gawi ni Reva ay mabilis na sumipa patalikod ang isa, causing her arrow to break in half. Napatayo naman si Xheen sa kinauupuan nito nang masiko ni Reva si Averyl, dah

