REVA Hindi pa rin ako pinapansin ni Circe nang magawa naming matapos ang araw na ‘yon at alam kong dahil ‘yon sa desisyon ko. Sa pagkontra niya pa lang kanina, alam kong hindi na ito sang-ayon sa ginawa ko but I had no choice. Parehong sina Miku at Denzell na ang namimilit sa akin at isa pa, mas gusto ko rin na malapit sa akin sina Averyl at ang mga kaibigan niya dahil mas madali ko silang mababantayan. Hindi pa rin naman ako nakakalimot sa mga bagay na tingin ko ay sila ang may gawa. Kung sakali ngang ginagawa lang nila ‘to para isabotahe kami, hindi nila gugustuhin ang gagawin namin sa kanila. “Circe, dinner tayo?” I asked her. Natigil naman siya sa kaniyang ginagawa sa higaan niya. “Nilagay mo tayo sa alanganing sitwasyon, Reva,” aniya at saka tumingin sa akin. “Ni hindi natin alam

