CIRCE “Kumusta na kaya sila?” Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ko na ‘yang tinatanong kay Earth. Muli ay napabuntong-hininga na lang ito sa sinasabi ko. Siya ang kasama ko mula no’ng umalis sina Denzell. Nagkahiwalay lang kami kapag sa pagtulog pero paggising at paglabas ko ng dorm room ko, naroon na agad siya sa labas at inaantay na ako. Sinabihan ko na siya kanina na hindi na niya ako kailangang bantayan pa pero nagpupumilit ito dahil hindi na raw dapat mawalan pa ng isa pang defender ang Academy. Bago ako matulog kagabi, naisip ko pa na ilusyon lang ang lahat ng ito, na nandito pa rin talaga sa Academy si Reva pero nakakatulugan ko na lang ang gano’n at pagkagising ko ay sasampalin ako na ang pag-iisip ko na ilusyon lang ang lahat ang natatanging ilusyon and the rest, they’

