AVERYL “Okay ka lang ba? Kanina pa kita tinitignan at halatang hindi ka okay,” ani Ryker kaya napatigil ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Huminga muna ako nang malalim at saka siya nilingon. “Wala namang rason para hindi ako maging okay,” saad ko. Nang tignan niya ako nang sobrang seryoso ay hindi ko napigilang makaramdam ng pagkailang. Bilang panakip sa tunay kong nararamdaman ay tinaasan ko siya ng kilay. “Anong tinitingin-tingin mo riyan?! Nang-aasar ka lang ata, eh—” “You’re not a good liar, Averyl,” aniya at saka bahagyang lumapit sa akin. “Sa tagal na nakasama kita, alam ko kung kailan ka hindi okay at kung kailan ka okay and right now, you’re lying,” he added then pinched the bridge of my nose. Agad ko namang tinampal ang kamay na ginamit niya. “Guys, sorry to interrupt but w

