CHAPTER TWENTY-THREE

1805 Words

CIRCE Hindi ko nagawang magsalita nang magdesisyon si Reva na iwan ako sa kwarto na okupado ni Miku, sa kwarto kung nasaan din si Earth. Agad akong napaiwas ng tingin nang pumunta si Earth sa gawi ni Miku na wala pa ring malay ngunit nakita ko sa peripheral vision ko na inaayos niya ang benda sa sugat ni Miku sa braso. Parang gusto ko namang magsisi no’ng mga oras na ‘yon na naging duwag ako sa mga patay na katawan. Hindi hamak siguro na mas madaling tignan ang patay na nasa kabilang kwarto kumpara kay Earth na abala sa kaibigan niyang si Miku. Ramdam na ramdam ko ang awkwardness sa kwarto at hindi ko alam kung ako lang ang nakakaramdam no’n. Nang muling tumalikod si Earth ay mabilis akong nagnakaw ng tingin sa kaniya. Nakatalikod man, alam kong pagod na pagod na rin siya. I wanted this

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD