REVA "Paano nangyari 'yon?!" Circe exclaimed. "Namatay nang hindi mo man lang namamalayan?! That's absurd!" Napahilot ako sa sentido ko dahil sa mga nalaman ko kanina. Matapos isiwalat sa amin ni Cleon ang nangyari ay minabuti naming sa kwarto na lang ni Miku sa infirmary pag-usapan ang iba pang bagay. Gladly, si Earth lang ang nandoon no'ng dumating kami. Napakalaking imbyerna no'n kung lahat sila ay naroon. Miku was fast asleep when we arrived. Wala naman ding sinasabi sa amin si Earth nang pumasok kami bagkus ay humila lang siya ng upuan at lumapit sa may bintanang naroon. "Hindi ko alam paano ka sasagutin kasi maski ako ay hindi ko rin nasundan ang mga nangyari," ani Cleon. "We were just talking and he passed out. Hinintay kong magising but wala talaga." "Baka naman hinimatay la

