REVA Halos mapatalon ako nang padabog na isara ng kapapasok lang na si Circe ang pinto ng kwarto namin. Hindi rin maipinta ang mukha nito. Abala naman ako sa pagliligpit ng gamit ko na dadalhin ko sa bagong dorm room namin, pantanggal na rin ng inis. Agad siyang sumalampak sa higaan niya at saka nagtalukbong ng kumot. Ni wala man lang hi or hello. Ano naman kaya ang nangyari sa kaniya? “Anong problema mo at mukhang balak mo gibain ang pinto ng kwarto natin?” tanong ko rito. Hindi niya naman ako sinagot kaya napakibit-balikat na lang ako at saka bumalik sa ginagawa. “Nakakainis!” aniya. Hindi ko napigilang mapairap. Itong isang ‘to, hindi ko rin maintindihan. Kaninang tinatanong ko siya, hindi niya ako sinasagot. Ngayon naman, nagrereklamo mag-isa. Malay ko ba kung anong kinakainis niya

