AVERYL Tulala si Earth nang muli kaming magkita-kita sa room 1. Wala itong kasamang Circe at maging kami ni Ryker ay hindi rin ito nakita. Hindi ko naman napigilan ang mag-alala para kay Circe, lalo pa’t kumpirmado na na wala ito sa Academy. Also, there’s one more thing na dapat ay makita ni Earth because I am sure, he’s the one who gave that to her. But I don’t know how to start the conversation lalo pa’t mukhang may kung anong iniisip si Earth sa mga sandaling ito. Nagkatinginan kami ni Ryker nang maupo si Earth sa isa sa mga upuang naroon. Pasimple naman akong tinanguan ni Ryker bilang senyas na sabihin ko na kay Earth ang sasabihin ko. Huminga muna ako nang malalim bago nagdesisyong lapitan na si Earth sa kinaroroonan nito. “Earth,” panimula ko. Tumingin naman siya kaagad sa akin.

