NAKABALIK nang Manila sila John at Julieanne. Nagpaiwan na muna sa Quezon ang Mama ni Julieanne para maasikaso pansamantala ang bukid. Maghahanap ito ng magsasaka at caretaker ng bukid. Kasama nitong naiwan ang magkapatid na sina Zeinab at Zia. Nakatulog na ang kambal at tig isa sina John at Julieanne na binantayan ang kambal. Sa ayos nila ay 'di nakitaan sila ng masamang nakaraan. Hindi rin naman mapagtanim ng sama ng loob ang dalaga. Kahit na nagalit ito'y madali pa rin napatawad si John. "Mukhang napagod sila sa paglalaro sa bukid. Ngayon lang kasi sila nakakita ng palayan at maraming puno," natatawang sabi ni Julieanne kay John. Nakatitig lang si John sa mukha ni Julieanne. Habang tumatagal na tinitingnan niya ito ay lalong gumaganda sa paningin niya. Para siyang bumalik sa pagka-t

