NAKARATING na sila ng Quezon at sinalubong ni Juan Miguel ng yakap ang apong si John. Hindi niya inaasahan ang pagbisita nito. Nagulat pa siya na kasama ang dating asawa— si Julieanne. "Hijo, salamat naman at dinalaw mo ako rito sa Quezon," masayang niyakap ni Juan Miguel ang apo. Saka malungkot na binalingan si Julieanne. "Julieanne, patawarin mo ako. Hindi ko alam ang mga nangyari at wala akong nagawa sa desisyon ng aking apo. Alam kong hindi ako patatawarin ng Papa mo at nahihiya ako sa Mama mo, " hingi ng paumanhin ni Juan Miguel habang hawak ang dalawang kamay ni Julieanne. Mamula mula ang mata na nagbabadya ng pumatak ang luha. Siya ang unang nalungkot noong nalaman na naghiwalay na ang mga ito. Ang gusto niya sana ay maging masaya ang pagsasama nila. Ayaw na niyang manisi, kung sin

