The First Meeting "MGA anak, siya ang tatay niyo," turo ni Julieanne kay John noong nilapitan nila itong mag ina. Nakatulala pa rin si John habang kinakabisa ang mukha ng mga anak niya. Ang bilis ng t***k ng puso niya at napangiti na kamukhang kamukha niya ang kambal. Mula sa kilay, ilong at labi. Kay Julieanne nila nakuha ang mata. Doon niya napatunayang mahal talaga siya ni Julieanne. Tumayo siya at pumantay sa kambal. Saka ibinuka ang dalawang kamay. "Can I have a hug, mga anak?" tanong ni John sa kambal. Nagtinginan muna sina Jellian at Jillian. Bago tumakbo palapit sa ama at niyakap. Buong higpit na niyakap ni John ang mga anak. Tumulo ang luha niya. Nakapalaki ng kasalanan niya sa mga anak. Hindi man lang niya nasubaybayan ang paglaki ng mga ito. Lalo na noong ipinagbubuntis sil

