NAGSALIT SALITAN sina Claire at John sa pagbabantay sa anak nila. Halos kulang tulog nila pero tinitiis nila para mabantayan ang anak nila. Sa pagdaan ng ilang araw ay lalo lang humihina ang katawan ng batang si Clay. Nanummutla ang balat at madalas na rin ang pagdurugo ng ilong nito. Naawa sila sa sinapit ni Clay. Hindi nila sukat akalain na may maluhang sakit pala ito. Dahil hindi naman ito madalas nagkakasakit at malusog itong sanggol 'nong ipinanganak ni Claire. "Ano ang sabi ng doktor?" tanong ng Daddy ni John. Dumalaw ito sa apo para makita ang kalagayan nito. "Kailangan na raw pong simulan ang chemotheraphy sa kanya. Lumalakas lang po siya kapag nasasalinan ng dugo. Pero hindi hundred percent na makakatulong iyon para sugpuin ang cancer. Kailangan din niya ng bone marrow transplan

