"BOSS, iyong mga kailangan po sa bar ay naayos na po namin. At kailangan lang ng pirma niyo po sa mga bagong alak na idedeliver" sabi ng tauhan ni William sa kanyang Bar. "Okay, Jayson. Pero, we need that drinks asap," sagot ni William. Nang may tumapik sa balikat niya. Nilingon niya ito at nakita ang kaibigang si John. Inambahan siya ng isang suntok sa mukha saka napahiga sa sahig. Nagulat ang tauhan ni William at dali daling dinaluhan ang amo. At inalalayang itayo. Hawak ni William ang pisnging nasinuntok ni John at pinahid ang konting dugo na lumabas sa gilid ng labi niya. "Where is Julieanne? Where is my wife?" galit na tanong ni John. "Wala ka ng asawa! Saka bakit sa akin mo hinahanap si Julieanne?" sarcasm nitong tanong kay John. Napangisi si John. "Akala mo hindi ko alam na na

