Napatingin ako kay Jack na nakatayo sa harapan ko at hahawak ang kunai. Hindi pwedeng mawala ako dahil lang sa walang kwentang bagay, pinilit kung tumayo pero kahit anong gawin ko ayaw makisabay ng katawan ko. Kahit ngayon lang sumunod ka naman sa akin..pero kahit anong gawin ko hindi ko na talaga kayang tumayo. " Huwag munang pilitin pang tumayo..dahil anong gawin mo wala kanang magagwa pa. " nakangiting sabi niya. Tiningnan ko lang siya ng masama..kung pamatay lang ang titig ko siguro kanina pa siya namatay. " Mapapatay mo man ako hindi parin kita patatahimikin hanggang sa pagtulog mo. " Nagtataka naman ako sa bigla niyang pagtawa. s**t! Ano bang nakakatawa sa sinabi ko. " Magpaalam kana. " nakangisi niyang sabi. Napapikit nalang ako sa maaari niyang gawin..itong araw ng pagkawa

