Nanatili siyang walang kibo at parang hinihintay yung sasabihin ko. " Kung ganun sabihin mo sa akin ang nalalaman mo! " sigaw niya sa akin. " Wala ka nga talagang alam..maging kasalanan ng mga magulang mo hindi mo rin alam. " Gulat siyang napatingin sa akin, wala nga siyang alam. May nagawang kasalanan ang mga magulang niya sa pamilya ko..at maaring hindi niya nga yun alam. Bobo ka talaga Jack. " Kasalanan ng mga magulang mo kung bakit namatay ang mga magulang ko. Kung hindi sana sila nagtraydor sa mga kasamahan nila hindi sana mangyayari yun. " " A-anong sabi mo? " gulat niyang tanong sa akin. " Tinraydor ng mga magulang mo ang magulang ko..kung hindi sana sila pumanig sa mafiang kalaban ng mga magulang ko hindi sana sila namatay! " sigaw ko sa kanya. Nagsimula ng tumulo ang luh

