Si Yllana na natitirang pamilya niya ay nawala pa..ang Ate niya. Ang naging Papa at Mama niya ay nawala pa. Tumayo ako at nilapitan niya habang nakasandal sa puno na tulala parin. Nagulat ako ng makita siyang tumutulo na pala ang luha niya..hindi ko alam na umiiyak na pala siya. Umupo ako sa tabi niya para magkapantay kami at makausap ko siya. " Nakakalungkot lang dahil sa kunting panahon ay nawala pa siya. Kung alam lang natin na mawawala lang pala siya edi sana sinulit na natin na kasama pa natin siya. " paninimula ko. Napatingin ulit ako sa kanya pero patuloy parin ang pagtulo ng luha niya. Dahil pareho lang kami ng nararamdaman tumayo ako at pumunta sa harapan niya saka siya niyakap ng mahigpit. Doon na siya nagsimulang umiyak ng malakas..alam kung kanina niya pa pinipigilan ang sa

