(Cara) Pagkatapos naming kumain ay nauna na akong lumabas at doon ko na lang siya hintayin.May lalake kasing lumapit kanina sa table namin at nagpakilalang kaklase niya noong Elementary.Mukhang business man din ang aura ng lalaking iyon kaya mukhang matatagalan pa ang pag-uusap nilang dalawa. Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa nararamdaman kung buhangin na ang ina-apakan ko.Nasa gilid na pala ako ng dagat at huminto na ako.Marahan akong pumikit at nilanghap ang sariwang hangin mula sa karagatan. Bakit kaya sa tuwing naamoy mo ang hangin na galing sa dagat ay bigla kang nalulungkot?Or ako lang talaga ang malungkot?Namutawing tanong sa isip ko. "May naaalala ka ba ngayong araw?,"boses na nangagaling sa likuran ko.Hindi ko na nilingon dahil alam ko naman kung sino. Huminga ako n

