(Cara) "Kailan ka ba magreresign?,"biglang kalmanteng tanong sa akin ni Ermatz.Himala kasing nagkasabay kaming kumain ng hapunan.Kanina pa kasi naka-alis si erpatz para magbinta ng balot si Randy naman ay maaga na naming pinatulog. "Ma naman,"ingos ko saka sumimangot.Kung dati sa tuwing binabanggit ko na natanggal ako sa trabaho ay magwawala na lang ito bigla.Bakit ngayon na may trabaho na ako at maganda naman ang suweldo ay pinapa-resign ako.Saan ang hustisya doon! "Bakit?Wala kang balak?"Pagalit nitong tanong saka padabog nitong binaba ang kubyertos na hawak-hawak. "Wala!,"matigas kung sagot kaya malakas na batok ang nakuha kung premyo mula sa kanya.Padabog itong tumayo at dinala ang platong pinagkainan niya sa lababo.Ni hindi nga nito halos nagalaw ang pagkaing nasa plato niya. "Ku

