(Cara) Nasa meeting siya ngayon kasama ang napili nilang modelo para sa isang advertisement na ipapalabas sa Tv.Akala ko nga sikat na artista ang kukunin nila kagaya nila Angel Locsin or Kathryn Bernardo pero isang sikat na international model din naman ang napili nila. "I'm so bored!,"bulong ko na sinabayan pa ng hikab.Kasama kasi ni Dylan si Eric sa meeting nila kaya wala tuloy akong maka-usap.Hanggang tanaw na lang ako sa kanila mula sa loob ng napakalaking conference room ng hotel.At isa pa bakit naman kasi ako isinama-sama pa na wala naman akong gagawin dito.Mas mabuti pa nga kung iniwan niya na lang ako doon sa loob ng lungga niya.Atleast makaksilip pa ako doon sa secret garden niya at sisiguraduhin ko talagang malinis na malinis ang kwarto niya. Para malabanan ang antok ay bumaba

