Chapter 8

1316 Words
(CARA) 10 A.M Panay ang tingin ko sa suot kung relo, hindi pa rin kasi natatapos sa pagkakape ang hinayupak kung amo.Parang ang sarap itulak sa loob para matapos na. Ako na naman ang mananagot kay Ms. Reo nito.Mukhang magpapa-alam na ako sa pinangakong promotion niya. Sayang naman! "Sir!Hindi na po ba kayo pupunta ng office nyo?,"hindi ko napigilang itanong sa kanya.Dahil pag-hindi ko naman gagawin siguradong walang mangyayari.Ayoko yatang magpa-alam sa promotion noh! "Marami na po yatang nakapila sa labas para magpa-perma sa inyo." "Paghintayin mo sila!,"walang paki-alam na sabi niya at hindi man lang ina-alis ang mata sa news paper na hawak nito. Haizzz!Ewan ko nga lang kung nagbabasa talaga.Wala nga sa bukabularyo niya noon ang mag-aral magbasa ng diyaryo pa kaya.Tsss! "Kasi po sir,ako po iyong pagagalitan ni Ms. Reo kung nandidito pa rin kayo.Kaya sana po kung maari ay punta na po tayo doon.Please!" Puno ng paki-usap na pagkakasabi ko na kulang na nga lang luluhod pa ako.Bahala na ang pride,kakainin ko na lang muna. Sana naman makinig at maawa man lang kung meron siya nito. "Oh!Bakit pagagalitan ka ba niya?," sobrang curios niyang tanong na nilapag niya pa mismo ang binabasa niyang news paper.Yes!Mukhang may awa naman pala siya. "Opo!,"sabay magpa-awa effect. "Ganoon po kasi ang napagkasunduan namin." Pero mali po ako!At siguradong mali din ang inaakala nyo! Dahil hindi po siya naawa bagkus tumawa pa ito ng tumawa na akala mo naman ay may nakakatawa sa sinabi ko.Anak ng Diablo nga naman! "Eh,di mas lalo kung bagalan ang pagkilos ko,"nang-aasar niyang sabi sabay ngisi na parang nang-iinis talaga. "Ano sa tingin mo?" "Naku naman,huwag naman ganyan sir!,"pambobola ko sa kanya at syempre mas lalong ginandahan ang ngiti.Pero deep inside gusto ko na siyang sakalin ngayon na mismo. A very long patience!Dapat iyon ang pairalin ko sa ngayon. "Will you stop doing that?,"pasinghal niyang tanong.Bigla na naman nagbago ang mood niya. "Ang alin po?,"kinakabahan kung tanong at ewan ko kung bakit bigla na lang akong kinabahan sa simpleng singhal niya na iyon.Madalas naman akong masinghalan pero bakit iba ang pakiramdam pagdating sa kanya.Parang may kunting kirot kang mararamdaman sa dibdib mo. "That damn smile of yours!" "Ba_kit po?May mali po ba sa pagngiti ko?" Nag-aalangan kung tanong.Bakit kasi pati pagngiti ko pag-iinitan niya pa. "Oo,so you better stop doing that or else hindi mo na magagawa iyon ulit! "Ok po sir, "mahina kung sagot at tumayo na rin siya sa wakas at dumiretso na sa loob ng office niya. Tumalima naman ako pasunod sa kanya.Wala pa kasi siyang secretarya kaya pansamantala muna akong mag-aassist sa kanya.Naupo na ito sa swivel chair niya na mukhang mainit pa rin ang ulo.Sumenyas na ito na pwede ko nang papasukin ang may appointment sa kanya. Sa malaking living room ng office nito ko sila pina-upo na anim.Kaharap lang mismo ng office niya.Dito ko lang sila paghihintayin dahil ayaw niya na may ibang tao na pumapasok sa loob ng office niya kaya malamang lalabas lang siya mamaya.Mukhang busy ito sa pagbabasa ng mga papel na nasa mesa niya kanina kaya ni hindi nga siguro nito alam na nakapasok na ang mga pinatawag niya. Habang naghihintay ang mga ito ay tinanong ko sila kung gusto nila ng kape or tea pero ni isa sa kanila ay mukhang walang interesado.Parang kinakabahan pa nga ang mga ito kaya hindi maganda ang kape sa kanila.Kunsabagay makakaharap mo ang demonyo hindi ka kaya kakabahan. "Mukhang bad mood si Sir Grumpy,"bulong noong isang babae sa katabi niya na mukhang namumukhaan ko naman.Siya kasi iyong kitchen manager. "Mula pa naman noon,ganyan na iyan.Hindi pa rin talaga nagbabago.Nagrerebelde pa rin sa ama niya,"sabad naman ng isa. Siniko naman ng isa iyong dalawa ng mahuli niya akong nakatingin sa dalawang nag-uusap.Akala siguro ng mga ito magsusumbong ako kaya ngumiti na lang ako at iniwan na sila.Nakalimutan kung ligpitin pala ang pinagkainan niya kanina. "Nasaan na iyong amo mo?,"pambungad na tanong sa akin ni Ms. Reo pagkalabas ko mismo sa pintuan.Mabuti na lang hindi ko nahampas sa kanya ang tray na hawak-hawak ko. "Nasa office na po niya."Mabilis kung tugon na todo ang ngiti dahil kahit papaano nagawa ko naman ang trabaho ko. "Anong ginagawa?" "Hindi ko po alam,pinalabas naman po niya ako ng office...." At hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita at tuluyan na akong tinalikuran.Ang iinit naman ng mga ulo nila ngayon. "At ikaw?,"biglang tanong niya ulit na hindi pa naman siya nakalalayo sa akin.Kaya napilitan akong lingunin na naman siya.Pambihira kanina bigla na lang akong tinalikuran may itatanong pa pala. "Sa kitchen lang po.Ihahatid ko lang itong tray,nakalimutan kasi dalhin ni...." As usual hindi na naman ako pinatapos sa pagsasalita at tuluyan ng umalis.Tsssh! Pagbalik ko ay sakto naman ang paglabas ng anim at halos lahat sila hindi maipinta ang mga mukha.Tahimik din silang lahat na animoy pinagsisisihan kung bakit dito pa sila napunta. Parang nag-aalangan din tuloy akong pumasok sa loob baka kasi sa pagpasok ko ang galit na naman niyang mga mata ang madadatnan ko.Kaya bago ko pihitin ang door knob ilang sign of cross muna ang ginawa ko. "What are you doing?" "Nothing maam!Este Ms. Reo po,"malakas na sambit ko sa sobrang gulat.Nasa likuran na naman pala siya.Magkapareho nga sila ng Nanay ko parang kabote kung saan-saan na lang sumusulpot. "Hindi iyan santo,tandaan mo iyan!" at tuluyan ng umalis at doon na ako nakahinga ng maluwag. Sa pagpasok ko.... "Where the heck have you been?,"tanong niya kaagad.Hay, ewan bakit lahat tinatanong ako kung saan ako nagpunta at kung saan ako pupunta.Hindi ba pwedeng umalis sa room sa ito na walang maraming tanong at hindi mo na kailangang magpaliwanag. "May hinatid lang po sa kusina,"tipid kung sagot.Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin habang nagtatanong.Tsssh!Galit ba siya dahil doon sa nangyari kagabi? "Iyong nangyari po kagabi,"panimula ko at doon na niya ako tiningnan ngunit blanko naman ang mukha niya. "Pasensya na po,hindi na po iyon mauulit kaya kung galit po kayo dahil doon.Pwede po bang patawarin nyo na lang ako ?" Hindi muna siya sumagot na tila may pinag-iisipan pa. "Sige,pero may kondisyon!" "Ano naman po iyon?" Kinakabahan kung tanong dahil baka pababayaran niya sa akin iyon sinukhan kung damit niya kagabi.Naku,patay na!Wala pa naman akong pera. "Be my slave!" At doon na ako napahalakhak sa sinabi niya.Ewan ko rin kung bakit ako natatawa.Paano ba naman kasi,ano ba naman ang tingin niya sa akin dito.Parang katulong nga lang niya ako dito tapos magsasabi pa siya ng Be my slave? The hell!Nagpapatawa ba siya? "Stop that!,"matigas niyang utos kaya kahit hindi pa matapos-tapos ang tawa ko ay pilit ko na lang pinigilan.Mahirap ng mabato ng mga papel na nasa harapan niya noh! "Sorry po sir!" "Ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko?" "Wala po sir,"palusot ko dahil mukhang sasabog na ang mga mata niya sa sobrang inis. Mabuti nga lang dahil kumalma na siya kaagad sa sagot ko. "Ito na ulit ang bago nating rules between you ang me!" "Po?Rules na naman ulit?,"gulat kung sambit pero hindi na siya nag-aksaya ng oras niya para magpaliwanag at nagpatuloy lang sa pagsasalita. "Una,dapat nandoon ka kahit saan man ako magpunta.Pangalawa,hinding hindi ka aalis kapag hindi pa kita pinapa-alis.Pangatlo,lagi kang alerto kapag tinatawag ka.Ayoko sa lahat na pinaghihintay ako.Pang-apat,ayoko kung nakangiti ka kapag kaharap mo ako.Panglima,ayusin mo nga iyong pagtempla ng kape.Hindi ko siya gusto." "Ano naman iyong kapalit?" Bigla naman siyang nagulat sa tanong kung iyon.Kahit nga ako eh,nagulat din dahil bigla lang naman siyang lumabas sa bibig ko. "After 6 months na wala kang palpak,gagawin kitang Restaurant manager sa hotel na ito.Alam kung pangarap mo iyon."Diretsa niyang sagot na blangko pa rin ang facial expression. Lihim namang natuwa ako sa sinabi niyang iyon atleast hindi pa rin niya nakakalimutan na pangarap ko din ang ganoong posisyon. "Game!,'kaagad kung sagot.Wala nang marami pang tanong.Anim na buwan lang naman ang titiisin ko sa mokong na toh. At iyon na ang agreement naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD