Dylan's Pov
"Eh,di mas lalo kung bagalan ang pagkilos ko,"pang-aasar ko sa kanya.Kahit kailan talaga ayaw din akong tantanan ni Auntie Reo.Tinakot niya pa ang isang toh,para magising lang ako sa tamang oras.Why of all people bakit ang babae pa na toh ang magsisilbi sa akin sa loob ng Anim na buwan.
"Naku naman,huwag naman ganyan sir!" paki-usap nito saka ngumiti ng napakaganda.Sobrang ganda na biglang nagpabilis ng pintig ng puso ko.She still have the most beautiful smile I've ever seen in my whole life.
"Will you stop doing that?,"biglang singhal ko sa kanya at natigilan naman ito kaagad.Nagulat siguro siya sa sobrang lakas ng bulyaw ko.
"Ang alin po?,"nanginginig ang boses na tanong nito.
"That perfect smile of yours that drives me crazy till now.That smile that melt my heart to a woman for the first time in my life."Iyon sana ang gustong gusto kung sabihin sa harapan niya na hindi ko masabi-sabi.
"That damn smile of yours!" Instead, ito ang lumabas sa bibig ko.
"Ba_kit po?May mali po ba sa pagngiti ko?" Nauutal na pagkasabi niya.
"Oo,so you better stop doing that or else hindi mo na magagawa iyon ulit!" Matigas kung banta sa kanya.Tama lang iyon,huwag na huwag mo na iyong gagawin dahil baka hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na mahalin ka ulit.Sinaktan na kita noon at hindi ko na hahayaang maulit pa iyon muli.
"Ok po sir, "mahina niyang sagot.Tumayo na ako at dumiretso sa na loob ng office ko.Suminyas na lang ako sa kanya na pwede na siyang magpapasok ng mga taong may kailangan sa akin.
Cara's POv
The next day....
"Cara,this is Eric.Siya iyong magiging secretary ko kaya be good to each other."
Pagpakilala sa akin ni Dylan sa bagong dating niyang secretary.Kararating niya lang kasi mula sa Maynila.Actually doon talaga siya naka-assign pero pinalipat siya dito dahil special request ng anak ng may-ari.What a power can do nga naman!
At hindi po siya lalake,katawang lalake lang po siya at babaeng babae talaga ang puso.Sayang nga eh,dahil may itsura pa naman.Unang tingin mo pa lang kasi dito ay alam mo ng hindi talaga siya straight.
"Nice to meet you Cara,"unang sabi niya sa akin saka ngumiti.Ini-abot din nito ang kamay niya para mag-shake hands kami at magiliw ko naman iyong tinanggap.
" Nice to meet you sis,"excited kung sabi ngunit pabulong lang iyon at mukhang natuwa naman ang bakla.Salamat naman at mukhang nahuli ko rin ang kiliti niya.Pero infairness ang lambot naman ng kamay niya.Mukhang galing din ito sa may kaya na mga angkan.
Mukhang friendly naman siya na tao ayon na rin sa instinct ko.Pero ewan ko nga lang ba sa suplado kung ex kung bakit hindi na lang babae ang kinuha niya.Pero mas okey na rin iyon,mas madali namang kasundo ang mga bakla dahil madalas sa kanila hindi mga plastic.Prangka silang mga tao kaya kung hindi ka nila gusto hindi ka talaga nila gusto.
"I like you,sistah!,"magiliw na sambit niya saka naghigh-five kaming dalawa.See?Close na kami kaagad!
"Ang ganda ng lipstick mo?I like it,"komento ko sa kany.At walang halong ka-plastikan iyon ha.Totoo naman talagang maganda ang kulay ng lipstick niya.Mukhang mamahalin naman kasi.
"Talaga?May isa pa ako nito,gusto mo bigay ko sayo?"
"Talaga?" Super excited ko na sambit.Basta libre nga naman,ang bilis ng bunganga ko kung makasagot.
"Sige,mamaya ibibigay ko sayo iyon.Imported ito kaya ingatan mo ha?Padala ng mama ko iyon sa akin,nasa America na kasi siya nagstay."
Maya-maya lang narinig na naming umigham si Mr. Grumpy kaya tumahimik na kaming dalawa.Nakalimutan naming nasa likuran lang pala namin siya na nag-aalmusal.Naiinggit siguro dahil wala siyang kausap.TsssH!
"Break time nyo ba or oras na ng trabaho?" Saway niya sa amin.
Tsss!Mr. Grumpy syndrome is attacking na naman.Ang aga-aga eh,nasira na kaagad ang mood.Sabi naman niya kanina be good to each other,sana pala nagsinghalan na lang kami.
Tumalima na si Eric patungo sa office at umupo na doon sa table niya.Habang ako ay naiwan lang na maghihintay na matapos siya.Mabuti nga dahil hindi ako nahirapan na gisingin siya ngayon.Hindi siguro gumimick kagabi kaya maagang natulog.
"After nito maglilibot tayo sa buong hotel," wala sa mood na naman niyang sabi.Nakasimangot na naman kasi.
"Yes,sir!" Pinasigla kung sagot para pampa-alis ng kaba.Sa tuwing nakasimangot kasi siya ay halos hindi maabot-abot ang kaba na nasa dibdib ko palagi.Sa pagkaka-alam ko siya nga iyong may atraso sa akin noon pero bakit ako pa itong parang may kasalanan.
Laging nasisindak sa nakakatakot niyang mga mata.
Kunsabagay ganoon din naman siya noon pa man.Masungit din pero talagang may sadyang kabaitan naman talaga siya kahit kunti.Maawain ito sa mga bata lalo na iyong mga bata na nasa kalye.Hinding hindi niya iyon kayang tingnan na walang iaabot na tulong sa kanila.
"Diba sinabi ko na sayo na ayoko ng ngumingiti ka ng ganyan!What the heck is wrong with you?"
"Sorry po ,"hinging paumanhin ko.Sa sobrang pagbabalik tanaw ko sa nakaraan hindi ko tuloy namalayang ngumingiti na pala ako.At siya pa talaga ang dahilan!The heck nga naman!
"Excuse me sir!,"tawag sa kanya ni Eric. "Tinatanong lang po ni Ms. Lee kung okey na po ba iyong proposal niya sayo tungkol sa kukunin nating sikat na model?"
"Sabihan mo pag-iisipan ko pa,"nakasimangot niyang sagot.Tila hindi talaga nag-eexist sa mundo niya ang pagngiti.Magpaturo kaya siya sa akin,libre lang!Hahahha,malaking joke iyon kapag nagkataon.
After niyan tumayo na siya at lumabas sa isang pinto.Mukhang naligaw yata,nakalimot kung saan ang pinto ng opisina niya.Akalain mo ba naman na nasa fire exit na pintuan siya lalabas.Kung hindi nga naman timang!
"Sir!," kaagad na pigil ko sa kanya at kunot noo niya lang akong tiningnan. "Dito po tayo,"sabay turo sa pinto ng office niya. "Labasan na po diyan pag-may emergency.Ito po iyong pinto ng opisina nyo sir."Sabay turo sa pintuan.
"I know!,"masungit niyang sagot at tumuloy pa rin.
"Teka po sir,ano naman po ang gagawin nyo diyan?Kung gusto nyo pong lumabas dito na lang tayo dadaan sa main.Mas mabilis po pag-nag elevator tayo kesa diyan sa hagdan.Mapapagod lang po kayo."
Pero hindi niya ako pinansin at kahit anong satsat ang ginawa ko ay wala ring silbi kaya napilitan na lang akong sundan siya.Mukhang papagudin na naman niya ako sa kababa sa hagdan.Ano ba ang naiisip ng gonggong na ito.Parang may tinatakasan na tao.
At paglabas ko,ako iyong labis na namangha.Hindi pala ito fire exit tulad ng ina-akala ko.Parang secret door passage na naman ulit ito.
Sa loob nito ay may isang malaking aquarium.Na mayroong ibat-ibang uri ng mamahaling isda.Nawala sa isip ko na marami pa lang kababalaghan meron ang unit niya.Napahiya pa tuloy ako kaya iginala ko na lang ang paningin ko sa kagandahang nakikita ko.Baka kasi hindi ko na ito makita ulit.Sabi nga nila samantalahin muna habang may grasya pa dahil iiyak ka kapag naubos na.
Now i know kung anong dahilan kung bakit ayaw niyang kumain ng isda,parang ito kasi iyong favorite pet niya.Magkano kaya ang isang ito?Malamang,pang-tatlong buwan ko na sahod na siguro.
"Masarap siguro itong prituhin?,"mahinang bulong ko.
"Bakit may balak ka?,"biglang tanong niya.Narinig siguro ang bulong ko.
"Ay,wala po!,"kaagad na sagot ko baka kasi ma beast mode na naman.
Tapos sa katapusan ng hallway na iyon ay ang napaka-gandang garden na ang sumunod.May tanim na ibat-ibang uri ng bulaklak na parang kahit na araw-araw ka na nandito ay hinding-hindi na magsasawa ang mga mata mo.Kahit naman sigurong sinong tao kapag nandito sa lugar na ito ay mapapasaya.Ganito ba naman ka gandang mga bulaklak ang babati sayo,chozzy ka pa?
"You like it?" Walang emosyon na pagkatanong niya habang nakapamulsa.
"Sobra!,"maikling sagot ko kahit na gustong gusto kung sabihin na sobrang napaka-priceless ng nakikita ko ngayong araw.Kahit siguro hindi niya ako sahudan ngayong araw na ito ay okey lang.
Hahahah,!Biro lang po!Joke!Joke!joke!
"Sayo ba ito?,"curious kung tanong.Malamang,sino ba naman kasi ang hindi ma-curious kung magkakaroon siya ng ganito ka lapad na garden na puro magagandang bulaklak ang tanim.
"Hindi,sa mama ko ito,"may halong lungkot na pagkasabi niya."Ito ang secret paradise niya noong panahong nabubuhay pa siya.Dito siya pumipermi kapag nalulungkot siya.Kaya bago siya namatay ibinilin nitong hinding-hindi ko ito pababayaan kahit na anong mangyari.Kaya in order to protect it,mas pinili ko na lang na dito na magstay.Atleast dito parang ramdam ko pa rin ang presence niya.
Nilapitan ko iyong tanim na tullip na medyo malapit lang sa akin.
"Alam mo bang may kakilala ako noon dati sa hospital na magandang babae na mahilig din sa bulaklak,"pagkukwento ko sa kanya.Actually hindi ko naman talaga nakita iyong babaeng iyon.Boses ko lang iyong naririnig niya pero pakiramdam ko ang ganda-ganda niyang babae. "Sabi niya favorite niya iyong tullip at sobrang favorite niya iyon talaga.Alam mo ba kung bakit?"
"Bakit ?,"mabilis niyang sagot na hindi ko akalain na interesado din pala siya sa sinasabi ko.
"Dahil sabi niya iyon lang daw iyong kaisa-isang alam ng anak niya na favorite niyang bulaklak.Kaya simula noon iyon na iyong naging favorite niya.Ang bait niyang ina ano?"
"Sinabi niya ba sayo kung ano talaga iyong totoong favorite niya na bulaklak?"
Tila interesadong tingin ang ipinukol niya sa akin.Na conscious tuloy ako,para kasing biglang naging close kami ulit.Kaya inisip ko talagang mabuti kung ano iyon.
"Sa naalala ko,iyong unang binigay na bulaklak ng kanyang first love.Pero...."
Wala na po siya....
Iniwan na lang ako bigla.Magkamag-anak siguro sila ni Ms. Reo.Parang ang bababastos ng mga ugali.Hindi muna ako pinapatapos sa pagsasalita at basta basta na lang tatalikuran.Makalabas na nga,pero pwede kayang pumitas ng isang rose dito? Mukhang hindi naman niya malalaman at hindi naman siguro siya madamot na kahit isang piraso lang ipagdadamot niya pa.
:)
Two seconds later.....
"Huwag na huwag kang magtatangka pipitas diyan kahit isang piraso lang ha!,"biglang babala nito mula sa malayo.
TssssH!!!!May pagka-bampira ata!Naririnig at nababasa na lang kung ano iyong mga naiisip ko.Makalabas na nga lang.