Chapter 11

1799 Words
(Cara) "Malayo pa rin ba?Parang kanina pa tayo diretso lang ng diretso,"angal nito habang nagda-drive. Palihim ko lang siyang tiningnan ng masama. "Siguro!Wala pa naman tayong nakikitang welcome to Pob. II.Diba ang sabi liliko lang tayo kapag may nakita na tayong karatola na ganoon.After niyan papasok lang tayo doon at doon na magtanong ulit kung may nakakakilala ba sa hinahanap mo."Kalma kung sagot sa kanya kahit na kanina pa ako naiirita na rin sa kanya.Malay ko ba kasi sa pupuntahan niya.Parang kasalanan ko pa yata na naiinip na siya sa biyahe niya.Ang taong ito,wala talaga sa isipan ang magsalita ng malumanay.Lagi na lang pasinghal.Tsssh!Siya na nga ang humihingi ng favor siya pa ang nagsusungit.Pektusan ko toh mamaya eh! After a million seconds na pagbabiyahe ay narating na rin namin sa wakas ang lugar na hinahanap niya.Mabilis na akong lumabas ng kotse niya dahil nangangalay na rin ang pwet ko sa kaka-upo mula pa kanina kahit na malambot ang upuan ng kotse niya. "Wow!,"hindi ko napigilang bulalas nang makita ang magandang view sa harapan ko.Sino ba naman kasi ang hindi mapapahanga sa ganda ng bahay at sa dami ng clay pot na naka-display sa labas.Magaganda pa ang design. "Paso lang pala iyong hanap mo,sana sinabi mo na lang na mas maaga.Ang dami ko kayang alam na pottery shop na malapit lang sa City.Napadpad pa tuloy tayo sa malayo."Maktol ko sa kanya na sadyang nilalakasan ko talaga ang boses ko para naman marinig niya. Pero ang mokong mukhang hindi naman interesado sa reklamo ko parang hangin lang ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko pagdating sa kanya.Iyong tipong napadaan lang sa tenga niya tapos lumusot lang sa kabila. Nilagpasan pa ako nito at kaagad nang pumasok sa gate.Hindi naman ito naka-kandado kaya free lang kaming nakapasok.Kaagad nitong inilibot ang paningin sa kabuuan ng lugar.Dahil sa hindi rin naman niya ako pinapansin kaya pumirme na lang ako sa isang lugar.Baka kasi makabasag pa ako ng isang paso.Wala pa naman akong dalang pera dito sa sobrang pagmamadali kanina. Maya-maya lang ay may lumabas na matandang babae na nasa 60's na siguro ang edad pero maaninag mo pa rin sa kanyang mukha na maganda ito noong kabataan niya.Parang sobrang nabigla ito nang makita si Dylan sa mismong harapan niya ngunit napalitan din iyon ng masayang ngiti at buong galak nitong niyakap ang binata.At ganoon din naman ang ginawa sa kanya ni Dylan.Niyakap din siya nito ng buong galak na tila na miss talaga nila ang isa't isa. "Ang apo ko!,"malambing nitong pagkasambit na ikinagulat ko naman.Lola pala siya ni Dylan. "Sa wakas ay nagpakita ka na rin sa akin,"parang maiiyak na sambit nito habang yakap-yakap pa rin si Dylan. "Ang galing nyo po kasing magtago kaya nahirapan akong hanapin ka,Grand mama." Sagot ni Dylan at kumalas na ito sa pagkakayakap sa matanda. Kaloka naman!Akalain mong lola niya pala ang may-ari ng parang pottery house na ito.Kaninong side kaya niya ito na lola sa mother niya o sa father.Pero base sa hula ko mukhang sa mother side niya ito na lola.Mukhang may hawig kasi ang matanda na ito doon sa babae na nasa painting. "Girlfriend mo?,"curious na tanong ng matanda ng mapadapo ang mata nito sa akin. "Ay hindi po!,"halos magkasabay naming sagot saka nagkatinginan kaming dalawa.At syempre nauna akong bumawi at ibinaling na ang pansin ko sa mabait na matanda na nasa harapan ko.Kaagad ko naman siyang binati at mukhang likas na mabait naman talaga ang lola niya dahil buong galak din naman niya akong nginitian. After niyan niyaya na niya kaming pumasok and to tell you,sobrang ganda ng loob.Mas maganda pa sa labas dahil parang nasa isang art exhibit ka lang.Lahat ng magaganda at mamahaling paso ay doon naka-display ngunit nakalagay lang ito sa loob ng isang kristal na lagayan.Para na rin siguro na maiwasan itong masagi at mabasag kaagad. "Gawa nyo po ba ito lahat Maam?,"namamanghang tanong ko sa kanya. "Hindi hija!Binili ko lang ang mga iyan sa iba't ibang panig ng bansa.Iyong mga nasa labas na gawa sa native clay.Iyon ang mga gawa ko." "WOW,ang galing nyo naman po,"hindi ko mapigilang ma mangha sa kanya."Ito po ba iyong negosyo nyo?" Biglang humalakhak naman ito sa tanong ko kaya tiningnan tuloy ako ng masama ni Dylan.Ano naman kasi ang mali sa tanong ko? "Mas lalong hindi hija,"sagot nito nang tumigil na sa pagtawa. "Naging hobby ko lang siya simula ng mawala....,"bigla itong natigilan at malungkot na tiningnan si Dylan. "Bakit wala bang naikwento kahit kunti ang apo ko tungkol sa lola niya?,"tila may himig na pagtatampo ang tono nito na hindi pa rin ina-alis ang tingin sa apo niya. Hindi ko rin tuloy mapigilang mag-alinlangan sa isasagot ko baka kasi lalo lang malulungkot ang matanda kung sasabihin kung wala nga itong nabanggit na may lola pa siya. "Pero hayaan mo na iyon hija,"ngumiti ito kahit na maaninag mo ang lungkot ang lungkot sa mga mata nito. "Ganoon naman talaga siya kahit kanino,"this time muli ng nanumbalik ang totoong ngiti sa mga labi nito kaya doon na ako nakampanti. "Siya iyong tipo ng taong hindi basta-basta kinukwento kahit kanino ang pribado niyang buhay.Kaya nga siguro kunti din ang naging kaibigan niya.Pero maiba nga tayo,hindi ka ba talaga niya girlfriend?" Biglang nanlaki ang mata ko sa tanong niya.Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot. "Actually she was,"biglang sabad ni Dylan habang papalapit sa aming dalawa. Mas lalong nanlaki ang aking mata at napa-awang ang aking bibig.Hindi ko kasi ini-expect na sasabihin niya iyon. "Was?,"gulat na sambit naman ng matanda. "So mag-ex na pala kayo?,"tanong nito na sa akin na naka-tingin. "Ye_s Maam!,"mabilis kung sagot baka kasi kung ano na naman ang masabi ng diablong toh. "Pero matagal na rin po iyon kaya medyo hindi na rin namin maalala pareho na meron kaming pinagsamahan.Actually sa kanya po ako nagtatrabaho ngayon.Ako po iyong personal assistant niya sa lahat ng ginagawa niya.Masaya po ako at nakilala ko kayo ngayong araw."Walang gatol kung sagot na hindi ko na rin ma wari kung ano na ang lumalabas sa bibig ko. "Ako din hija,"malumanay na sabi nito sabay hawak sa kamay ko na may pagpisil. Bigla tuloy akong natigilan."By the way nagugutom na ba kayo?,"tanong nito na kay Dylan na ang attensyon nito."Nagpaluto pa kasi ako kay Letty ng lunch natin.Biglaan naman kasi ang dating ninyo." "Hindi pa naman kami gutom Grand mama,"ani ni Dylan."Kaya huwag na kayong mabahala pa."Ngumiti ito sa lola niya. "Ganoon ba?,"naniniguradong tanong niya na nasa akin na naman nakatingin kaya kaagad ko na itong tinangu-an. "Let's go hija,"biglang yaya niya sa akin. "Samahan mo naman ako sa bandang lugar doon." "Sige po,"mabilis ko namang tugon.Naramdaman kung naka-sunod sa amin si Dylan sa likod ngunit laking gulat ko ng biglang huminto kami ng lola niya sa paglalakad.Lumingon ang lola nito sa kanya. "I'm sorry apo pero exclusive lang sa aming dalawa ang lugar na iyon kaya dumito ka na lang muna,"nakangiting sabi nito kay Dylan kaya nakasimangot na naiwan ito ng malingunan ko.Buti nga sa kanya. "Ano nga ulit ang pangalan mo hija?,"tanong ng matanda sa akin habang naglalakad na kami sa papuntahan namin. "Cara po,"mabilis kung tugon. "Cara Santos." "Your name is quite familiar,"tila nag-iisip ito tungkol sa pangalan ko. "Para kasing narinig ko na iyon sa anak kung babae.Hindi ko lang matandaan." "Ah ganoon po ba.Baka ibang Cara na po iyon.Hindi ko naman kasi na meet iyong anak ninyo,I mean iyong Mama ni sir Dylan." "Siguro nga,"nakangiti na nitong sabi at binuksan na ang isang medyo may kalakihan din na kwarto.She turned the lights on at puro paintings naman ang nandoon.Ngunit karamihan sa mga paintings na nandoon ay ang mukha ng mother ni Dylan. "Maganda ba?,"tanong ulit ng matanda nang makita nitong titig na titig ako sa isa sa painting na nandoon na nakasabit sa dingding.Marahil na Mother ito ni Dylan na naka-ospital gown na may hawak-hawak na tulips na bulaklak.Galak na galak itong nakangiti sa painting na iyon. "Mahilig din po pala kayo sa painting?,"nakangiti kung sabi sa kanya. "Versatile artist po talaga kayo.Hamakin ninyo marunong na kayong gumawa ng clay pot pati painting sayo pa rin.Eh di sa inyo na po iyong korona!,"pabiro kung sabi at mukhang natuwa naman siya. "Si Dylan ang nag-paint niyan." "Po?,"nanlaki ang mata ko sa narinig. "Weeh, di nga?" At hindi ko napigilang matawa. "Sorry po,"hinging paumanhin ko ng maramdaman kung mukhang hindi natuwa iyong matanda sa sinabi ko. "Wala naman po kasi sa itsura niya na magaling siyang pintor."Paliwanag ko dito. At doon na natawa ang matanda sa huling sinabi ko. "Actually ganoon din ang reaksyon nang Papa niya ng ipinakita ko ang mga gawa nito,"masigla nitong pagkukwento."Hindi rin ito makapaniwala na may talent ang anak niya sa pagpipinta.Masyado kasing malihim na bata si Dylan kaya bukod sa amin ng Mama niya wala ng ibang nakaka-alam na magaling siyang magpinta" "So, ako na iyong ika-tatlo na nakaka-alam?" Kunot noo kung sabi. "Oo, kaya secret lang natin itong dalawa at huwag mong sasabihin sa kanya ang tungkol dito,"nakangiti nitong bilin at kaagad naman akong tumango. "Huwag po kayong mag-alala,wala po akong talent sa ibang bagay pero asahan nyo pong inborn talent ko po ang magtago ng secret kaya safe po iyong secret ninyo sa akin." At natawa naman ang matanda sa sinabi ko. Isa lang sa napansin ko sa Lola ni Dylan ay iyong madali lang siyang patawanin.Simpleng tao lang siguro kasi ang lola niya. "Maam,may tanong lang po ako?" At napatingin na naman ulit siya sa akin. "Bakit po pala hindi na niya ipinagpatuloy ang pagpipinta.?" Nakita kung may biglang may namuong lungkot sa mga mata nito sa tanong kung iyon.Bigla tuloy akong nag-alala at nagsisi kung bakit naisipan ko iyong itanong.As if interesado ako sa buhay ni Dylan. "Dylan and her mom was very close to each other noong nabubuhay pa ang Mama niya."Sagot nito na nakatingin talaga sa mga mata ko. "He used to be a good boy pero nagbago lang ang lahat nang magkasakit ang Mama niya."Huminto ito saglit at bahagyang itinaas ang paningin na tila pinipigilan niya ang sariling maiyak. "After a year nawala din siya sa amin.Dylan was so depressed dahil kasabay ng pagkawala ng Mama niya bigla ring naglaho ang talent niya.He can't no longer paint any single pictures na gusto niyang ipinta.He was so afraid that time baka daw kasi hindi na niya magawang ipinta ang mukha ng mother niya ulit hanggang sa tuluyan na niyang kinalimutan ang pagpipinta." Sa mahabang kwento ng Lola ni Dylan ay hindi ko namalayang naluha na pala ako.Akala ko isa lang lang siyang sira-ulong tao na walang magawa sa buhay.May masakit na pinagdadaanan din pala siya.Ewan ko bakit biglang nakaramdam ako ng pagkaawa sa mokong na iyon.Iyong feeling na gusto mo siyang e-comfort. "I'm sorry,pina-iyak pa kita."Nakangiting nitong sabi sa akin at pinahid ang luhang nasa pisnge ko gamit ang kamay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD